Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast

Jessica Soho
Държава Филипини
Жанрове Society & Culture
Език FIL
Епизоди 28
Последен 11.06.2026

Ang Sunday habit ng pamilyang Pilipino, may podcast na! Si Jessica Soho ay nagdadala ng kanyang signature storytelling sa audio format, na may mga kuwento at talakayan tungkol sa iba't ibang paksa na may kaugnayan sa kulturang Pilipino.

Епизоди

  • Sen. Erwin Tulfo, nagsalita sa gitna ng tinaguriang “senate wars” | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 11.06.2026 50мин
    SEN. ERWIN TULFO, NAGSALITA SA GITNA NG TINAGURIANG "SENATE WARS"Habang patuloy na umiinit ang hidwaan sa liderato sa Senado, kasama na ang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa flood control projects, at sa nakabinbing impeachment trial ni VP Sara Duterte, Sen. Erwin Tulfo, ibinahagi kay Jessica Soho ang kanyang mga pananaw sa usaping ito. Ano ba ang epekto ng tensyon na ito sa mandato o trabaho ng Senado?At, sa eksklusibong panayam, sinagot din ng senador ang iba't ibang isyung ibinabato laban sa kanya tulad ng pagkakasangkot niya umano sa sex trafficking?Ang buong panayam, panoorin sa Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast.
  • Mga guro, wala na raw maiuwing suweldo dahil lubog sa utang?! | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 17.04.2026 54мин
    MGA GURO, HALOS WALA NA RAW MAIUWING SUWELDO DAHIL SA PAGKAKALUBOG NILA SA UTANG?! BAKIT NGA BA HINDI MAKAWALA SINA MA’AM MULA SA IBA’T IBANG PAMPUBLIKONG PAARALAN SA SISTEMA NG LOAN SA MGA PRIVATE LENDING COMPANIES?PAALALA: Maging disente sa pagkomento.Hindi bababa sa 50 guro mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa Pilipinas, baon sa utang at wala na raw naiuuwing pera mula sa kani-kanilang mga sahod. Ang inirereklamo nila, ang malaki at patong-patong na interes ng kanilang mga loan! Kinuha pa pati kanilang ATM cards.Bakit nga ba humantong sa ganitong sitwasyon ang ilan nating mga kababayang guro? Panoorin ang video.Para sa mga nais tumulong kay Teacher Mayse:BANK: EAST WEST RURAL BANK / KOMOACCOUNT NAME: MAYSE IBALACCOUNT NUMBER: 5000-0162-9843Para sa mga nais tumulong kay Teacher Christina:BANK: GOTYME BANKACCOUNT NAME:CHRISTINA CHENGACCOUNT NUMBER: 0157-4354-9416Para sa mga nais tumulong kay Teacher Hilda:BANK: EAST WEST RURAL BANK / KOMOACCOUNT NAME: HILDA ABERIAACCOUNT NUMBER: 5000-3019-1369Para sa mga nais tumulong kay Teacher Chona:BANK: BDO UNIBANKACCOUNT NAME: CHONA ESTABILLOACCOUNT NUMBER: 0054-0050-4346
  • Pilipinas, dapat na daw mag-develop ng sariling energy resources | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 01.04.2026 47мин
    Pilipinas, dapat na daw mag-develop ng sariling energy resources | Kapuso Mo, Jessica Soho PodcastPILIPINAS, NAGDEKLARA NG NATIONAL STATE OF ENERGY EMERGENCY! SARILING ENERGY RESOURCES NG BANSA, DAPAT NA RAW BIGYANG-PRAYORIDAD NG GOBYERNO, AYON SA CENTER FOR ENERGY RESEARCH AND POLICYNitong Marso 24, nagdeklara ang Pilipinas ng National State of Energy Emergency. Isa sa mga pangunahing dahilan nito ang pagbaba ng supply ng langis matapos magsara ang Strait of Hormuz na siyang ruta at dinaraanan ng humigit-kumulang 20% ng kabuuang suplay ng langis sa buong mundo.Sa panayam ni Jessica Soho kay Atty. Noel Baga, co-convenor ng Center for Energy Research and Policy, ipinaliwanag niya ang mas malalim na ugat ng problema. Isa sa kanyang mga nakikitang solusyon, pagbibigay prayoridad ng gobyerno sa pagpapaunlad ng sariling energy resources sa bansa.
  • Magulang ng nasawing marine student, nakapanayam ni Jessica Soho | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 27.03.2026 31мин
    MGA MAGULANG NG NASAWING MARINE STUDENT NA SI KENNETH ALCEDO, HINDI MATANGGAP ANG NANGYARI SA KANILANG ANAK. ANG KANILANG MENSAHE SA MGA SUSPEK, IBINAHAGI NILA SA #KMJSKamakailan lamang, umugong ang balita ng pagkamatay ng isang 19-anyos na maritime student sa Cavite na si Kenneth Alcedo. Ang kanyang mga magulang, ibinahagi ang kanilang pagdadalamhati kay Jessica Soho.Ano ang kanilang mensahe para sa mga may kinalaman sa pagkamatay ng kanilang anak?
  • Tatlong Pilipino, nagsilbi umanong espiya ng Tsina! | Kapuso Mo, Jessica Soho 27.03.2026 32мин
    TATLONG PILIPINO, NAGSILBI UMANONG ESPIYA NG TSINA!Tatlong Pilipino ang nahuling umano’y espiya na nagtatrabaho para sa interes ng China. Paano nga ba sila nauwi sa pagtataksil sa sarili nilang bayan?Ang isa sa mga sangkot, nakapanayam mismo ni Jessica Soho at isiniwalat niya ang madilim na mundo ng espionage sa bansa.Panoorin ang video.
  • Ilang Iranian sa Pinas, hindi naniniwala sa kanilang gobyerno?! | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 11.03.2026 48мин
    ILANG MGA IRANIAN NA NANINIRAHAN SA PILIPINAS, NAKAPANAYAM NI JESSICA SOHO! SA PANAYAM, IBINAHAGI NILA NA HINDI RAW SILA NANINIWALA SA KANILANG GOBYERNO AT SA MGA VIDEO NA INILALABAS NITO. BAKIT? Sa pagpapatuloy ng gulo sa Middle East bunsod ng pag-atake ng Amerika at Israel sa Iran, kinumusta ni Jessica Soho ang ilang Iranians na naninirahan sa Pilipinas. Sa kanyang panayam, ibinahagi nila na hindi raw nila pinagkakatiwalaan ang kanilang gobyerno, ang state-owned media at maging ang video na nilalabas ng mga ito. Panoorin ang video. #KMJS
  • Totoo bang binayaran ni Trillanes ang ICC para sa kaso ni dating Pang. Duterte? | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 03.03.2026 16мин
    SONNY TRILLANES, HINARAP ANG ALEGASYON NA NAKATANGGAP DAW SIYA NG PERA MULA KAY ZALDY CO UPANG BAYARAN ANG ICC O INTERNATIONAL CRIMINAL COURT NA SIYANG MAY HAWAK SA KASO NG EXTRA-JUDICIAL KILLINGS NI DATING PANG. RODRIGO DUTERTESa pagsisimula ng pre-trial ng confirmation of charges hearing ni dating Pangulo Rodrigo Duterte, 18 ex-marines ang umaming naging taga-deliver umano sila ni dating Rep. Zaldy Co ng male-maletang pera sa mga pulitiko. Isa sa mga pulitikong tinutukoy nila… si Former Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV!Dahil sa alegasyon, nagbigay ng pahayag sa #KMJS ang dating senator. Ano kaya ang kanyang masasabi na diumano'y isa siya sa mga nakatanggap ng pera mula sa dating kongresista at ginamit niya ito umano sa pagbabayad sa ICC upang imbestigahan ang extra-judicial killings ni dating Pang. Rodrigo Duterte?Ang buong pahayag, panoorin sa Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast.
  • Ex-marines na naghatid umano ng pera kay Zaldy Co, nagsalita na! | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 03.03.2026 1ч 19мин
    MGA RETIRADONG MARINO, ISINIWALAT ANG KANILANG DIUMANO PAGTATRABAHO AT PAGHAHATID NG MALE-MALETANG PERA KAY DATING REP. ZALDY CO NA SIYANG ISA SA MGA SANGKOT UMANO SA KATIWALAAN SA FLOOD CONTROL PRJECTSSa gitna ng pre-trial ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court, 18 dating miyembro ng Philippine Marines ang lumapit sa media at isiniwalat ang kanilang diumano’y pagtatrabaho kay dating Rep. Zaldy Co. Ang kanilang serbisyo sa dating kongresista… paghahatid ng male-maletang pera na kung tawagin nila ay “basura”.Sa kanilang panayam sa #KMJS, ibinahagi rin nila ang kanilang nalalaman patungkol sa diumano’y koneksyon sa dating senador na si Antonio "Sonny" Trillanes IV sa mga perang ipinapadala sa dating kongresista. Sino-sino nga rin ba ang iba pang mga politiko na maaring sangkot rito?At, totoo nga bang DDS o Diehard Duterte Supporter sila? Ang buong panayam, mapapanood sa Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast.
  • Carla Abellana, ikinasal sa kanyang high school sweetheart | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 20.01.2026 45мин
    CARLA ABELLANA, IKINASAL SA KANYANG HIGH SCHOOL SWEETHEART MATAPOS ANG 20 TAONG HINDI NILA PAGKIKIKITA. PAANO NGA BA MULING NABUHAY ANG KANILANG PAG-IIBIGAN?20 taon na ang nakalipas nang maghiwalay ang aktres na si Carla Abellana at ang kanyang high school sweetheart. Pero nitong Disyembre, nagulat ang lahat sa balitang ikinasal si Carla kay Dr. Reginald Santos.Sa panayam ni Jessica Soho, ibinahagi ng aktress kung paano nga ba muling nabuhay ang kanilang pag-iibigan!
  • Erice, bakit tinawag na ’heist’ ang unprogrammed appropriations | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 16.01.2026 36мин
    CONG. EDGAR ERICE, BAKIT TINAWAG NA ‘BIGGEST, GRANDEST HEIST’ ANG UNPROGRAMMED APPROPRIATIONS SA 2026 BUDGET?Kamakailan, pinirmahan na ni Pangulong Marcos ang 6.7 trillion pesos na National Budget para sa taong 2026. Ngunit ang ilang grupo at kongresista, umalma lalo na sa usapin ng unprogrammed appropriations na inuugnay sa korapsyon at pagkaantala ng ilang proyektong magbibigay serbisyo sana sa Pilipino.Sa panayam ni Jessica Soho kay Rep. Edgar Erice, ibinunyag ni Erice ang kanyang mga nalalaman patungkol sa pagkakahati-hati ng 2026 National Budget.Paano nga rin ba nakaapekto ang mga nagdaang anomalya sa gobyerno sa pagkaantala ng ilang proyekto sa bansa?
  • Rep. Leviste, ano bang nalalaman sa ‘Cabral files’? | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 09.01.2026 57мин
    CONG. LEANDRO LEVISTE, ISINIWALAT ANG KANYANG NALALAMAN TUNGKOL SA 'CABRAL FILES' AT SA MILYON-MILYONG NATATANGGAP NG MGA MAMBABATAS KADA TAONSa pagkamatay ni dating DPWH Usec. Maria Catalina Cabral, umugong ang balita na mayroon siyang hawak umanong mga sensitibong impormasyong patungkol sa mga kumita sa flood control projects. Sa panayam ni Jessica Soho kay Batangas 1st District na si Cong. Leandro Leviste, ibinahagi ng mambabatas ang kanyang mga nadiskubre patungkol dito kabilang na ang umano'y anomalya sa 700 billion pesos na National Expenditure Program o panukalang budget ng DPWH sa buong bansa.Samantala, ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng kongreso para sa taong 2026, umabot na daw sa 18 billion pesos mula sa 10 billion pesos na halaga nito noong 2025! Mayroon nga bang nakukuhang kickback ang ilang mga mambabatas dito sa mga nakalipas na taon?Ang buong panayam kay Cong. Leandro Leviste, tampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho podcast.
  • DOH Sec. Herbosa, nagpaliwanag sa 400 health center na 'di napapakinabangan | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 24.11.2025 47мин
    DOH SECRETARY TEODORO "TED" HERBOSA, SINAGOT ANG ISYU PATUNGKOL SA 400 OUT OF 600 HEALTH CENTERS NA HINDI UMANO NAPAPAKINABANGANKamakailan, naging usap-usapan ang tungkol sa mga ipinatayong 400 out of 600 health centers na hindi umano napapakinabangan. Sa panayam ni Jessica Soho, ibinahagi ng Department of Health (DOH) Secretary na si Dr. Teodoro "Ted" Herbosa ang kanyang mga nalalaman patungkol sa isyung ito.Ang ilan sa mga nakikitang solusyon ni Dr. Herbosa upang mas maging maayos ang healthcare system ng bansa, ibinahagi niya rin sa #KMJS. Panoorin ang video.
  • PH Healthcare system, nasa ICU na ayon kay Dr. Tony Leachon | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 18.11.2025 55мин
    HEALTHCARE SYSTEM SA PILIPINAS, NASA ICU NA AT MALAPIT NANG MAMATAY, AYON KAY DR. TONY LEACHON. MAHIGIT P130 BILLION NA PARA SA HEALTHCARE SYSTEM NG MGA PILIPINO, KINUHA RAW NG GOBYERNO?! Ang Internist at Cardiologist na si Dr. Anthony “Tony” Leachon, kilala sa pagiging kritikal at matapang na tagapagsulong ng reporma sa sistemang pangkalusugan ng ating bansa.Sa panayam sa kanya ni Jessica Soho, inisa-isa niya ang ilan sa mga isyung kinakaharap ng Kagawaran ng Kalusugan kabilang na ang tinatawag niyang ‘Undas Hospital’ o ospital na nawawala na parang kaluluwa na counterpart aniya ng flood control scandal ng DPWH.Kung ang ating bansa ay isang pasyente, nasaan na nga ba tayo?
  • Ang mapapait na karanasan ni Eman Pacquiao bago pasukin ang boxing | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 10.11.2025 36мин
    ANAK NG PEOPLE’S CHAMP AT DATING SENADOR MANNY PACQUIAO NA SI EMAN PACQUIAO, IKINUWENTO ANG ILANG MAPAPAIT NA KARANASAN NG KANYANG KABATAAN BAGO PASUKIN ANG LARANGAN NG BOXINGAng bagong mukha ng boxing at anak ng ‘People’s Champ’ Manny Pacquiao na si Eman Pacquiao, nakapanayam ni Jessica Soho. Dito, ibinahagi niya ang ilang mapapait na karanasan sa kanyang buhay bago sumalang sa industriya ng boxing.Kumusta kaya ang relasyon ni Eman sa kanyang ama?
  • Kuya Kim, emosyonal na ibinahagi ang mga alaala ni Emman Atienza | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 03.11.2025 39мин
    KUYA KIM, EMOSYONAL NA IBINAHAGI ANG MGA ALAALA NG YUMAONG ANAK NA SI EMMANNitong Oct. 24, marami ang nagulat nang ianunsyo ni Kuya Kim Atienza at ng kanyang asawa na si Felicia ang pagpanaw ng kanilang bunsong anak na si Emman.Sa pag-uwi ng mga abo ni Emman sa Pilipinas, nakapanayam ni Jessica Soho si Kuya Kim.Emosyonal niyang ibinahagi ang pinagdaraanan ng kanilang pamilya at maging ang masasayang alaala niya sa kanyang bunsong anak.Ang buong panayam, panoorin sa video na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast.Para sa mga nais kumonsulta o humingi ng tulong sa mga eksperto tungkol sa usapin sa mental health, tumawag sa mga sumusunod na hotline:National Center for Mental Health Crisis HotlineSmart: 0919-057-1553Globe: 0917-899-8727Tawag Paglaum - Centro Bisaya0966-467-96260939-936-54330939-937-5433Hopeline Philippines (Natasha Goulbourn Foundation)02-8804-46730917-558-46730918-873-4673In Touch: Crisis Line0919-056-07090917-800-11230922-893-8944#KMJS
  • Father Eugene, ibinahagi ang ilang nakakakilabot niyang karanasan sa exorcism | Kapuso Mo, Jessica Soho 27.10.2025 1ч 4мин
    FATHER EUGENE, IBINAHAGI ANG ILANG MGA NAKAKAKILABOT NA DIUMANO'Y PAGSAPI NG DEMONYO SA ISA SA MGA MAGKAKAIBIGANG NAGLARO RAW NG SPIRIT OF THE GLASS!Si Father Eugene David na isa sa mga exorcist ng Saint Michael Center for Spiritual Liberation and Exorcism, nakapanayam ni Jessica Soho para sa #KMJSMulto. Sa panayam, ibinahagi niya ang ilan niyang nakakakilabot na mga karanasan sa pagsagawa ng eksorsismo.Ano-anong aktibidad nga rin ba ng mga tao ang maaaring maging instrumento ng demonyo upang maghasik ng kadiliman sa mundo?Ang buong kuwento ng kanyang pakikipagbuno sa kampon ng kadiliman para matulungan ang mga sinasapian, panoorin sa video.
  • Ate Gay, mas naniniwala na may himala dahil sa pag-impis ng bukol | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 23.10.2025 46мин
    KOMEDYANTENG SI ATE GAY, MAS NANINIWALA NA RAW NGAYON NA MAYROONG HIMALA DAHIL SA PAG-IMPIS NG KANYANG BUKOL SA LEEG NA DULOT NG STAGE 4 CANCERAng komedyanteng si Ate Gay, ibinahagi kamakailan na mayroon siyang stage 4 cancer. Sa kanyang pagbahagi ng kuwento sa #KMJS, napakaraming anghel raw ang tumulong sa kanya upang malabanan niya ang kanyang sakit. Katunayan, ang 10cm na bukol sa kanyang leeg, unti-unti nang umimpis.
  • Diokno reveals where unprogrammed appropriations may be going | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 20.10.2025 49мин
    AKBAYAN REPRESENTATIVE CHEL DIOKNO, ISINIWALAT KUNG SAAN POSIBLENG NAPUPUNTA ANG UNPROGRAMMED APPROPRIATIONS FUNDAprubado na ng Kamara ang 6.7 trilyong pisong panukalang 2026 National Budget.287 ang bumoto na sumang-ayon sa panukalang ito habang 12 ang bumotong ‘no,’ kanilang na si Akbayan Rep. Chel Diokno.Ang isa sa sinabi niyang dahilan ay ang 243 billion na halagang inilaan para sa unprogrammed appropriation funds. Bakit nga ba siya tutol dito? Saan ba dapat napupunta ang perang ito?At ngayong mahigit isang buwan na ang lumipas mula nang buksan ang imbestigasyon kaugnay ng maanomalyang flood control projects, ang tanong ng mga tao— bakit tila wala pa ring napapanagot?
  • Honasan, bakit sinabi na nakadikit na sa ating kultura ang korapsyon? | Kapuso Mo, Jessica Soho 13.10.2025 31мин
    DATING SEN. GRINGO HONASAN, NA MINSAN NANG SINUBUKANG PABAGSAKIN ANG GOBYERNO, BAKIT SINABI NA NAKADIKIT NA SA ATING KULTURA AT SISTEMA ANG KORAPSYON?Sa idinaos na kilos-protesta nitong Setyembre, may ilang mga retiradong heneral at opisyal ng Armed Forces of the Philippines na diumano’y kaalyado ng mga Duterte ang nanghimok sa Chief of Staff ng AFP na mag-withdraw ng suporta sa administrasyon.Ano nga ba ang masasabi rito ni Gringo Honasan na minsan ding nanguna sa ilang kudeta laban sa administrasyon ni Pangulong Cory Aquino? Panoorin ang video.
  • Lacson, ibinunyag ang isyu sa ‘congtractors’ at anomalya sa budget | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast 06.10.2025 30мин
    SEN. PING LACSON, IBINUNYAG ANG NALALAMAN TUNGKOL SA ‘CONGTRACTORS’ AT MAANOMALYANG INSERTIONS SA BUDGETBago nagbitiw sa pwesto bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, nakapanayam ni Jessica Soho si Sen. Ping Lacson.Ang mga nalalaman ni Lacson kaugnay ng insertions sa maanomalyang infrastructure projects, kanyang isiniwalat!May nalalaman din nga ba si Pang. Bongbong Marcos sa mga insertions na ginagawa ng mga senador sa ilang budget deliberations?

Популярен в

Този подкаст се появява и в подкаст класациите на тези държави.