Raqi’s Secret Files with Titan Gelo

Raqi’s Secret Files with Titan Gelo

Love Radio Manila
Riik Filipiinid
Žanrid Ilukirjandus, Draama
Keel TL
Osad 285
Viimane 24.09.2026

The program reflects various realities of the world that may create a sense of belonging, relatability, and controversies. Raqi’s Secret files was inspired by the trend “confession” pages on Facebook. We’ve seen that there is a huge buzz created by these confessions — from its contributors all the way to its community. We’ve thought of carrying that trend from online to on-air, retaining the same level of anonymity, giving the story a voice. Listeners who desire to relieve a bit of their burden are encouraged to send their stories, making the program, Raqi’s Secret Files a safe haven to tell their secrets.

Osad

  • Pinagbintangan niya ako na ginalaw ko raw siya 24.09.2026 15min
    Ibinahagi ng sender ang naging resulta ng pagmamabuting-loob niya—pinagbintangan siya ng kaibigan niya na ginalaw niya raw ang asawa nito. Ngayon, sira na ang relasyon nila at naiwan sa kanya ang isang tanong: bakit niya ang kailangang pagbayaran sa isang bagay na hindi naman niya ginawa? Ito ang secret file ni James.
  • Ginawa ko naman ang lahat, pero bakit 'di pa rin sapat? 24.09.2026 7min
    Sabi nila, kung para sa'yo, para sa'yo. Kung hindi, ipilit mo! Hahaha! Charot with harot!Ikaw, anong kwentong BP mo? Comment na!From small wins to big wins, BingoPlus celebrates every facet of winning in life.Activate your millionaire energy and start manifesting your millionaire era, because every real winner has a real story - and the next story could be yours! Share your winning story now and receive up to ₱5,000 credits in rewards! Link: https://forms.gle/DtcxQxbffw543W6p7#BPWinnerStory #RealWinnersRealStories
  • Nagbebemb*ng kami ng Ex ko habang may GF siya 23.09.2026 19min
    Ibinahagi ni Rhian na kahit 5 years na silang magjowa, hindi pa rin niya mahanap ang lugar niya sa buhay ng boyfriend niya. Ang mas masakit dito, nagkahulihan pa sila sa beerhouse. Sabi ng jowa niya, boys night out lang 'yun—hanggang kailan paniniwalaan ni Rhian ang white lies ng boyfriend niya at ng mga kaibigan niton?
  • Napaluhod ako sa harap ng asawa ko dahil sa mensaheng natanggap ko 22.09.2026 8min
    Ano nga ba ang sukatan ng pagiging isang mabuting magulang? Hindi ka na ba mabuting ama kung hindi mo kayang ibigay ang lahat para sa iyong pamilya?Ikaw, anong kwentong BP mo? Comment na!From small wins to big wins, BingoPlus celebrates every facet of winning in life.Activate your millionaire energy and start manifesting your millionaire era, because every real winner has a real story - and the next story could be yours! Share your winning story now and receive up to ₱5,000 credits in rewards! Link: https://forms.gle/DtcxQxbffw543W6p7#BPWinnerStory #RealWinnersRealStories 
  • Isa akong sundalo na napalaban sa ibang bakbakan 21.09.2026 12min
    Ibinahagi ng sender, isang corporal ng Philippine Army sa Eastern Command ng Davao, ang kaniyang karanasan sa kakaibang bakbakan. Sabi nga nila, “All is fair in love and war,” at damang-dama niya ngayon ang kalupitan ng pag-ibig. May kakahantungan kaya ang paghahabol niya sa isang taong hindi sigurado sa kaniya? Ito ang secret file ni Sarge.
  • Natikman ko na ang marshmallow ng classmate ko 20.09.2026 14min
    Ibinahagi ng sender ang isang sikretong matagal niya nang itinatago—bata pa lang siya noon, pero natikman niya na ang marshmallow ng kaniyang kaklase! Ano kayang patutunguhan ng isang relasyong nabuo sa tikiman? Ito ang secret file ni Anna Joy.
  • Pinilit niyang ipalaglag ko ang anak namin 17.09.2026 16min
    Ibinahagi ng sender na ang taong itinuring niyang parang kuya ay may madilim pala na balak sa kaniya. Nang mabuntis siya nito, inakusahan pa siya ng lalaki na hindi raw sa kaniya ang anak kaya gustong itigil ang pagbubuntis niya. Hanggang kailan niya ipapahamak ang buhay niya at ng kaniyang pamilya? Ito ang secret file ni Jelai.
  • Naging Sugar Mommy ako for seven years 16.09.2026 18min
    Ibinahagi ng sender lahat. As in lahat, Kabisyo. Paano, eh, sugar mommy raw siya ng boyfriend niya! Umabot pa sa puntong nagpatayo siya ng motor shop dahil pangarap daw ito ng boyfriend niya, pero ibang babae na pala ang minemekaniko ng boyfriend niya. Sapat na kaya ang seven years para matauhan siya? Ito ang secret file ni Winnie.
  • Si Mama at Papa ang nasusunod sa kasal ko 15.09.2026 14min
    Ibinahagi ng sender ang kaniyang excitement tungkol sa nalalapit niyang kasal, pero mukhang hindi lang siya ang may plano! Ramdam na niya ang pressure ng kaniyang mga magulang—ang tanong, hanggang saan ba ang impluwensiya nila sa kasal niya? Ito ang secret file ni Aika.
  • Nakainom ako ng ipinagbabawal na gamot 13.09.2026 10min
    Ibinahagi ng sender na habang inaalagaan niya ang kapatid niyang na naka-confine sa ospital, isang poging nurse ang lumapit at binigyan siya ng asul na tableta. Ano kayang kahahantungan ng pag-inom niya ng ipinagbabawal na gamot? Ito ang secret file ni Paola.
  • Intern ako, pero si Manager ang sumisipsip sa‘kin 10.09.2026 17min
    Ibinahagi ng sender, isang 23-anyos na intern, na nagkaroon siya ng relasyon sa 55-anyos niyang manager. Hanggan saan kaya hahantong ang pakikipagrelasyon niya sa isang lalaking pamilyado na? Ito ang secret file ni Sofia.
  • Ikakasal na ako, pero mahal ko pa rin ang Ex ko 09.09.2026 15min
    Ibinahagi ng sender ang kanyang kwento ng tungkol sa mga naiwang emosyonal na sugat at mula sa nakaraang relasyon habang naghahanda sa pagsisimula ng bagong buhay kasama ang kanyang kasalukuyang fiancé. Hanggang kailan siya mumultuhin ng ex niya? Ito ang secret file ni Ann.
  • Si Biyenan ang kontrabida sa buhay namin 08.09.2026 23min
    Ang letter sender ay isang inang handang gawin ang lahat para mailigtas at ipaglaban ang kanyang anak, kahit pa harapin niya ang takot, hirap sa pera, at masasakit na salita mula sa sariling pamilya ng kanyang asawa. Sa kabila ng lahat, pinatunayan niyang walang pagsubok ang kayang tumbasan ang lakas ng pagmamahal ng isang ina. Ito ang secret file ni Lei.
  • Pinagsabay ko ang tropa at girlfriend ko 07.09.2026 19min
    Ibinahagi ng letter sender ang pagdadalawang-isip niya habang pinagsasabay ang kanyang girlfriend niya at ang katrabaho niya na pareho niyang minamahal sa kabila ng mga kinakaharap na komplikasyon. Hanggang kailan kaya siya magiging two-timer? Ito ang secret file ni Alex.
  • Nabighani ako ng misteryosong babae sa ilog 06.09.2026 12min
    Ang sender ay hindi inaasahang nakahanap ng pag-ibig matapos siyang mailigtas ng isang babae sa ilog. Dahil sa simpleng pagkakataong iyon, nagsimula ang kanilang pagkakaibigan na nauwi sa isang magandang relasyon, kahit magkalayo sila at may kanya-kanyang responsibilidad sa pag-aaral. Ito ang secret file ni Ralph.
  • Pinapakain ako ng kamao ng Asawa ko 03.09.2026 19min
    Ibinahagi ng ating sender na nadali siya ng lalaking magaling lang sa umpisa. Habang tumatagal, ang taong pinakasalan niya ay nag-iibang anyo pala. Hanggang kailan niya papanindigan ang pagiging asawa sa isang taong hindi naman nirerespeto ang pagkatao niya? Ito ang secret file ni Lyka.
  • Nahuli siyang kumakanta sa mikropono ng ibang lalaki 03.09.2026 19min
    Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng komplikadong sitwasyon niya—isa siyang kabit kahit alam niyang may asawa at pamilya na ang kinakabitan niya. Ang problema, ginawa lang siyang kabit para makaganti sa kasalanang 'di naman siya ang gumawa. Hanggang kailan niya titiisin ang pagiging backup? Ito ang secret file ni Lex.
  • Mahal ko ang Best Friend ko, pero pangit kasi ako 31.08.2026 16min
    Ibinahagi ng ating letter sender na mula noon at hanggang ngayon, mahal niya na ang best friend niya. Ang tanging problema niya lang ay pangit daw siya. Hanggang kailan siya magiging insecure at dapat nga ba niyang i-ruin ang friendship? Ito ang secret file ni Mark.
  • Tiniis ko ang pagloloko niya kasi binuntis niya ako 31.08.2026 19min
    Ibinahagi ng sender ang na kahit paulit-ulit siyang niloko, pinipilit niyang kumapit dahil takot siyang maranasan ng kanyang mga anak ang hirap ng lumaki sa broken family. Hanggang kailan pipiliin ni Elise ang pamilyang matagal nang sira?
  • Kabit lang ako, pero ako ang gusto niyang ibahay 26.08.2026 19min
    Ibinahagi ng sender ang kanyang karanasan nang makipagrelasyon siya sa isang lalaking pamilyado na. Aminado naman ang lalaki niya na mas masarap daw kapag silang dalawa ang magkasama, kaya inaalok niya ito ng mahigit Php 15,000 para manatili lang sa kaniya. Hanggang kailan kaya matitiis niya ang setup na nakakasakit 'di lang sa kaniya, kun'di sa pamilya rin ng iba? Ito ang secret file ni Jay.

Populaarne riigis

See taskuhääling on ka nende riikide taskuhäälingute edetabelites.