The Linya-Linya Show

The Linya-Linya Show

Ali Sangalang and Linya-Linya | The Pod Network
Land Filipijnen
Taal TL
Afleveringen 412
Laatste 14.08.2026

Ali Sangalang, founder and creative director of Linya-Linya, hosts this pun-filled variety podcast about Filipino life, arts, and culture. The show features solo segments and guests from different walks of life, aiming to educate and entertain. It's best enjoyed while washing dishes.

Afleveringen

  • 418: Growing Up Online: Mga Boses ng Kinabukasan w/ the Batang Bidas of Balitang Bata Podcast 14.08.2026 1u 28min
    Earlier this year, nagkaroon ng pagkakataon ang The Linya-Linya Show, kasama ang Spotify at The Pod Network, na suportahan ang Balitang Bata Podcast ng AHA Learning Center sa pamamagitan ng podcast equipment at workshop.Ngayon, sila naman ang nasa kabilang side ng mikropono.Kasama natin sina Miracle at Althea—dalawa sa mga Batang Bidas ng AHA Learning Center at hosts ng Balitang Bata Podcast—para pag-usapan kung ano ang hitsura ng paglaki sa panahon ng internet, social media, at AI.Paano ginagamit ng kabataan ang internet para matuto, makipag-usap, lumikha, at magpahayag? Ano ang mga hamon na kinahaharap nila online—mula sa fake news at cyberbullying hanggang sa pressure ng social media? At paano sila natututong maging responsable, mapanuri, at mabuting digital citizens?Isang masaya, magaan, at tapat na usapan tungkol sa kabataan, connectivity, at sa mga boses na dapat nating pakinggan.Para sa reliable na connection, check out DITO Home WoWFi Pro here:https://eshop.dito.ph/web/product/detail/284?campaignId=1033&distributorId=1120&cmpType=7This episode is Powered by DITO. Visit dito.ph to learn more.
  • 417: Preserving History & Protecting Culture w/ Niña Sandejas 11.08.2026 2u 12min
    Dekada nang dinodokumento ng music photographer na si Niña Sandejas ang ilan sa pinakamahahalagang artists, banda, gigs, at eksena sa Filipino music at art. Pero para sa kanya, hindi lang ito tungkol sa pagkuha ng magagandang litrato—tungkol ito sa pagdodokumento ng kasaysayan at pagpreserba ng kultura.Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, pinag-usapan namin ang kanyang buhay at trabaho bilang music photographer, ang halaga ng documentation, at ang pagtatayo niya ng sariling publishing house na alt164. Kinuwento rin niya ang realities ng pag-publish ng sariling libro, at kung bakit mahalagang magkaroon tayo ng mga aklat at archives na nagkukuwento ng visual history ng Filipino music.At siyempre, pinag-usapan namin ang kanyang Greyhoundz book—at kung paano ang pagsuporta sa isang libro ay nakakatulong din para makagawa pa ng mas maraming libro tungkol sa iba’t ibang artists, photographers, at eksena sa Pilipinas.Isang insightful na kuwentuhan tungkol sa photography, publishing, music, history, at kung bakit mahalagang idokumento at pangalagaan ang kulturang binubuo at isinasabuhay natin ngayon.Listen up, yo.
  • 416: Bara-Bara – Ascend Lang Nang Ascend w/ GL 31.07.2026 1u 29min
    Pagkapanalo ni GL bilang 2024 FlipTop Isabuhay Champion, kinabukasan, dumiretso siya sa Bara-Bara podcast. Mahigit isang taon ang lumipas, at ang dami nang nadagdag sa kanyang kuwento.Sunod-sunod ang naging battles niya noong 2025—laban kay Emar Industriya at kay Ice Water (bilang Sinagtala), dalawang classic na laban ulit sa iisang gabi laban kina Hazky at Ruffian, ang Royal Rumble, at ang instant classic nila ni Poison 13. Ngayong 2026 naman, nai-launch na ang kanyang ikatlong poetry chapbook-- Glimpses-- habang tuloy-tuloy rin ang kanyang paglikha ng musika, ng panitikan, at pag-battle. Sa episode na ito, bumabad kami para pag-usapan ang kanyang explosive post-Isabuhay run. Hiningi ko rin ang thoughts niya sa napakainit na Langit Lupa, Write Off Way, at sa emerging emcees. Pinasadahan din namin ang kanyang lumalaking community, ang pagpublish ng libro, ang magkakaiba nguni’t magkakapareho ring mundo ng battle rap, musika, at tula, at kung ano pa ang susunod sa kanyang patuloy na pag-ascend bilang artist.Solid na kuwentuhan tungkol sa battle rap, creative writing, community-building, at sa thought process ng isa sa pinakamahuhusay na manunulat ng kanyang henerasyon.Listen up, yo.
  • 415: Turo-Turo - Mga Kwentong Kwarentahin w/ Jaton Zulueta & Sabs Ongkiko 24.07.2026 51min
    Mula Trentahin, tatawid din papuntang Kwarentahin. Aray ko po!Sa edad na 'to, bukod sa sakit ng ulo sa dami ng inaalala sa buhay, matindi na rin ang sakit ng likod at katawan, habang ramdam na ramdam na ang pagtanda. Pero kumusta nga ba ang buhay late 30's, patawid ng early 40's? Ngayong mas marami nang karanasan at kaalaman, mga pagkakamali na hopefully ay nagawa nang matutuhan, paano nga ba i-navigate ang era na ito?Kasama ulit natin sina teacher Sabrina Ongkiko at Jaton Zulueta sa isa na namang masaya at makabuluhang episode ng Turo-Turo, dito lang sa The Linya-Linya Show!Trentahins and Kwarentahins unite-- listen up yo!
  • 414: May Susunod Pang Kabanata - How Teleserye Saved My Life w/ Louie Jon Sanchez 17.07.2026 1u 46min
    Noong huli nating nakasama si Prof. Louie Jon Sanchez sa The Linya-Linya Show, napagkwentuhan namin ang teleserye, Pinoy drama, at ang mga kuwentong kinahuhumalingan nating mga Pilipino.Sa kanyang pagbabalik, ibang kuwento naman ang kanyang dala.Kasama natin ang makata, literary critic, at UP Diliman professor para pag-usapan ang kanyang cancer journey, kung paano nito binago ang kanyang pananampalataya, pagsusulat, pagtuturo, at pagtingin sa buhay. Napag-usapan din namin kung bakit, para sa kanya, “the teleserye or melodramatic imagination saved me,” at kung paano nagiging tahanan ng pag-asa ang mga kuwento sa gitna ng kawalang-katiyakan.Isang tapat, magaan, at makabuluhang usapan tungkol sa sakit, sining, pag-asa, pananampalataya, at sa paniniwalang—gaano man kahirap ang kasalukuyan—may susunod pang kabanata.Pakinggan ang buong episode ng The Linya-Linya Show, available na sa Spotify, YouTube, at iba pang podcast platforms.
  • 413: Bara-Bara - I-angat. Iboses. Ilaban. w/ ILAYA 11.07.2026 2u 25min
    Sa episode na ito ng Bara-Bara, nakasama natin si Ilaya— emcee, songwriter, at isa sa mga pinakamatagal nang boses ng conscious hip hop sa Pilipinas.Napag-usapan namin ang kanyang paglalakbay mula Taguig hanggang Rizal, ang pagpasok niya sa mundo ng hip hop, at ang mga impluwensyang humubog sa kanya bilang artist. Nagkuwentuhan din kami tungkol sa grupo niyang Uprising, at kung paano niya ginagamit ang musika at pagsusulat para magkuwento, magtanong, at makilahok sa mas malalaking usaping panlipunan.Syempre, napunta rin ang usapan sa FlipTop— ang kanyang battle rap journey, creative process, judging philosophy, at ang papel ng originality sa sining.Pero higit sa lahat, naging usapan ito tungkol sa pagharap sa mga nangyayari sa lipunan— sa galit, sa dismaya, sa pakiramdam na tila walang nagbabago, at sa tanong kung paano pa ba tayo patuloy na makikialam. Sa huli, bumalik pa rin kami sa sining, creativity, at sa kahalagahan ng patuloy na bumoses habang may natitira pang lakas at pakialam.Samahan n'yo kami ni Ilaya sa solid na kuwentuhang ito.Listen up, yo.
  • 412: Manatiling Malikhain w/ Quiccs Maiquez 06.07.2026 1u 45min
    Ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging malikhain?Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, kasama natin ang world-renowned artist, designer, at creator ng TEQ63 na si Quiccs Maiquez. Mula sa graffiti at street culture hanggang sa designer toys na kinokolekta sa iba’t ibang panig ng mundo, kuwentuhan tayo tungkol sa pagbuo ng isang creative career na sabay na may artistic vision at business sense.Napag-usapan namin ang pinagmulan ng kanyang creative journey, ang pag-usbong ng local art at toy scene, kung paano nagtatagpo ang creativity at commerce, ang halaga ng collaboration, at kung bakit mahalagang manatiling malikhain sa panahon ngayon.Kasama rin ang kuwento sa likod ng Linya-Linya x Quiccs collaboration, ang kultura ng pagkolekta, at kung bakit ang mga bagay na pinipili nating ipunin ay madalas nagsasabi rin ng kuwento tungkol sa atin.Isang episode para sa mga artist, designer, entrepreneur, collector, at sa lahat ng gustong gumawa ng mga bagay na may saysay.
  • 411: Pride & Punchlines w/ Inah Evans 19.06.2026 1u 12min
    Ang pagbabalik ni Inah Evans sa The Linya-Linya Show!Marami nang nangyari mula noong huli natin siyang makasama— mula hosting, TV shows, podcast guestings, theater, improv, at stand-up comedy. Busy at blessed, ika nga. Sa dami ng hats na sinuot niya sa mga nakaraang taon, napagkuwentuhan namin kung paano niya bina-balanse ang iba’t ibang passions, projects, at opportunities na dumarating.Napag-usapan din ang kanyang upcoming comedy show sa Music Museum ngayong July, ang mga natutuhan niya sa pagpe-perform sa iba’t ibang entablado, at kung paano siya patuloy na lumalago bilang artist at performer.At syempre, hindi rin namin pinalampas ang usapan tungkol sa Pride PH Festival. Bilang host mula pa noong unang Pride PH hanggang ngayong ikaapat na taon nito, ikinuwento ni Inah ang evolution ng festival, kung paano ito lumaki kasabay ng komunidad, at kung ano ang maaaring asahan ng mga dadalo sa Pride March at Festival ngayong taon.Isang masaya, makulit, at makabuluhang catch-up tungkol sa comedy, creativity, community, at ang patuloy na pagsusulong ng pagkakapantay-pantay, representasyon, at empowerment.Listen up, yo.
  • 410: Truth, Trolls, and the Information War w/ Regine Cabato 12.06.2026 2u 15min
    Ang nakasama natin sa show, si Regine Cabato— investigative journalist, researcher, former Washington Post reporter, Chevening Scholar, at isa sa mga Pilipinong matagal nang sumusubaybay at nagsusuri sa mga usapin ng disinformation, troll networks, technology, at democracy.Napag-usapan namin ang kanyang simulain bilang poet at journalist—at kung paano nagtagpo ang mga mundong ito sa kanyang trabaho ngayon. Mula sa pagsusulat ng tula hanggang sa pag-iimbestiga ng disinformation, ikinuwento niya kung paano nakatulong ang creative writing sa paghubog ng kanyang boses, pag-unawa sa mga tao, at paghahanap ng katotohanan sa gitna ng ingay at impormasyon.Natural, napunta rin ang usapan sa mga tanong na mahalaga sa ating lahat: Paano nga ba gumagana ang disinformation? Ano ang papel ng troll farms at political machinery sa paghubog ng pampublikong opinyon? Paano binabago ng teknolohiya ang information landscape? At sa panahon ng influencers, algorithms, at walang tigil na content, paano natin malalaman kung ano ang dapat paniwalaan?Pinag-usapan din namin ang mga aral mula sa nakaraang mga election cycle, ang mga hamon na posibleng harapin natin sa 2028, at ang mas malalim na tanong sa likod ng lahat ng ito: Paano ba mabubuhay bilang ordinaryong mamamayan sa mundong tila laging may umaatake sa katotohanan?Magkahalong masinsinan at magaang kwentuhan tungkol sa journalism, media, politika, katotohanan, at pag-asa. Sa tingin ko, napakahalagang mapakinggan at mapag-usapan. Listen up, yo.
  • 409: The Spirit of Drinking w/ John Go 05.06.2026 1u 41min
    Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, nakasama natin si John Go— long-time bar fly turned alcohol importer, distributor, educator, cocktail enthusiast, at certified spirits geek.Bilang mga taong mahilig uminom pero marami pang gustong matutuhan tungkol sa mundo ng alak, napunta ang usapan namin sa mas malalim na bahagi ng drinking culture— hindi lang bilang bisyo o libangan, kundi bilang kasaysayan, craftsmanship, kultura, at paraan ng pakikipagkapwa-tao.Napag-usapan namin ang iba’t ibang uri ng spirits tulad ng rum, tequila, at mezcal; ang Pinoy drinking culture at kung paano ito naiiba sa ibang bansa; mga common misconceptions tungkol sa alak; at kung paano mas maeenjoy ang pag-inom nang may mas malalim na appreciation at responsibilidad.Kwento rin ito ng isang taong ginawang propesyon ang passion niya— mula pagiging regular na tambay sa mga bar hanggang sa pagiging isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng mga underrated at underappreciated spirits sa Pilipinas.Kung gusto mong matuto tungkol sa alak, cocktails, bar culture, at kung paano uminom nang may mas malalim na pag-unawa sa iniinom mo, para sa’yo ang episode na ito.Listen up, yo.
  • 408: Bara-Bara - Mula't Sapul w/ Marshall Bonifacio 29.05.2026 2u 11min
    Sa episode na ito ng Bara-Bara, nakasama natin si Marshall Bonifacio— isa sa mga pinakarespetadong emcees ng liga, kilala sa teknikal niyang sulat, strategic angles, at mga labang madalas mapasama sa usaping classic o battle of the night.Napag-usapan namin ang kanyang buhay at paglalakbay— mula sa paglaki sa Mindanao, pagtatrabaho sa Cebu, hanggang sa paninirahan ngayon sa Luzon— at kung paano hinubog ng iba’t ibang lugar, kultura, at karanasan ang kanyang pananaw bilang artist at bilang tao.Nagkuwentuhan din kami tungkol sa pagpasok niya sa hip hop at battle rap, mga impluwensya mula sa local at international scenes, at ang madalas na usapin tungkol sa pagiging “foreign influenced.” Tinalakay rin namin ang pagkakaiba ng international at local battle rap, kung saan tayo lamang, at kung ano ang natatanging ambag ng FlipTop sa sining, kultura, at lipunang Pilipino.Napunta rin ang usapan sa ilan sa kanyang mga pinaka-memorable na laban, sa creative process at pagsusulat, hanggang sa experience at thought process nya bilang madalas na napipiling judge.Umabot din kami sa usaping originality, confidence, paninindigan, at kung paano manatiling totoo sa sarili sa isang eksenang laging nagbabago.Classic sh*t ito. Solid ka, Marshall Bonifacio.Listen up, yo.
  • 407: It's SEOUL good! w/ Reich Carlos 22.05.2026 1u 29min
    Touchdown, Seoul! Nag-ikot kami ni Reich sa Seoul para mag-food trip, maghanap ng cocktail bars (nakapunta kami sa #1 bar in South Korea!), record stores, hobby shops, parks, museums, at mas makilala ang kultura ng Korea. At oo, isa sa pinakamasarap na ramen na natikman namin… sa South Korea pa talaga! Hindi man kami super fans ng K-pop, K-drama, o K-culture, K na K naman ang biyahe namin — mula samgyup, cafés, at cocktails hanggang sa Piattos discoveries, “one dish per person,” at kung may Anti-Buraot Act nga ba talaga sa Korea. Samahan n’yo kami sa kwentuhan tungkol sa isang trip na mas masarap, mas insightful, at mas nakakatawa kaysa sa inaasahan namin. (Featuring: legit samgyup verdict, Korean café culture, Mary Grace Piattos, at iba pang kalokohan)
  • 406: Kapag nanalo ako sa lotto.. - Livin' The Filipino Life w/ Victor Anastacio 15.05.2026 1u 2min
    Sa episode na 'to ng Livin’ The Filipino Life, nagkuwentuhan sina Ali at Victor tungkol sa isang tanong na minsan, napapaisip tayong lahat: “Ano kaya ang gagawin ko kapag nanalo ako sa lotto?”Mula sa mga pangarap, “responsableng” plano, pati na ang mga luho, napunta rin ang usapan sa mas malalim na realities ng adulthood, trabaho, pressure, at kung bakit minsan, parang gusto na lang talaga nating tumama sa lotto para makahinga.Pakinggan nyo na, kasi baka pag nanalo kami sa lotto, hindi niyo na kami mahanap at mapakinggan. Joke lang, ahahaha. Listen up, yo.
  • 405: Online Reality Games w/ Pinoy Survivor League 08.05.2026 59min
    Sa episode na 'to ng The Linya-Linya Show, nakasama natin sina Jaymar Castro at Amber Garma ng Pinoy Survivor League hosting team, kasama si Vin Page, dating winner ng PSL, para ipakilala sa atin ang mundo ng Online Reality Games—isang komunidad at subculture na marami pala tayong hindi alam!Aminado ako: Pumasok ako sa usapang 'to nang halos walang alam tungkol sa PSL at ORGs. Pero habang tumatagal ang kwentuhan, mas narealize kong hindi lang pala ito laro o online competition. Sa maraming paraan, nagiging microcosm din ito ng Pilipinas—may pulitika, alliances, strategy, drama, social dynamics, at reflections ng ugali nating mga Pinoy.Napag-usapan din namin kung bakit sila nahilig dito, ano ang fulfillment na nakukuha nila, paano nabuo ang community, at kung paano naging space ang PSL hindi lang para sa entertainment, kundi para rin sa friendships, advocacies, at minsan, social commentary.Isang unexpectedly insightful at fascinating na kwentuhan tungkol sa internet culture, human behavior, community-building, at pagiging Pilipino sa digital age.Listen up, yo!
  • 404: Turo-Turo: Sa Lahat ng may Dinadalang Bigat 04.05.2026 46min
    Muling nagbabalik ang aking award-winning friends from the education sector, mga hinahangaang leaders ng ating panahon— sina Teach Jaton Zulueta at Teach Sabs Ongkiko. Ituring niyo ang Turo-Turo episode na ito na isang buntong-hininga sa patong-patong na pagsubok na nangyayari sa paligid at krisis sa buong mundo. Ituring niyo rin itong hinga at pahinga. Katulad ninyo, nararamdaman din namin ang bigat. Sa simpleng paraan ng pagkikita at pag-uusap ng magkakaibigan, makatulong sana sa pagpapagaan ng ating mga dinadala. Listen up, yo.
  • 403: Daddy Diaries - Life at 75 w/ Engr. Rene Sangalang 24.04.2026 34min
    Panibagong episode ng Daddy Diaries, kasama ang idol ko, si Daddy Rene Sangalang. Noong nakaraang October 2025, naabot nya ang isang milestone: 75 years old na sya! Sa loob ng pito’t kalahating dekada, nakakalap sya ng karanasan at kaalaman. Isang umaga, niyaya ko syang magrecord ng podcast— at habang nagkakape, ibinahagi nya ang learnings nya in life. Masayang kausap si Daddy, at ang dami kong natututuhan. Sana, kayo rin! At sana, magkaroon din ang bawat isa na makapag-usap sa magulang, at sa mga mentor sa buhay.Listen up, yo!
  • 402: Bakit hobbies kitang mahal? - Livin’ The Filipino Life w/ Victor Anastacio 17.04.2026 55min
    Sa bagong episode ng Livin’ The Filipino Life, kasama natin si Victor Anastacio para pag-usapan ang halaga ng hobbies sa gitna ng magulong mundo. Nagkuwentuhan kami tungkol sa simpleng saya na dulot ng pagkakaroon ng pinagkakaabalahan—mula sa kung bakit mahalaga ang hobbies, hanggang sa pagiging busy sa home improvement, at kung paano ito nakakatulong sa mental health at overall na stability.Sa dami ng responsibilidad at stress sa araw-araw, minsan kailangan lang natin ng space para gumawa ng bagay na para sa sarili—walang pressure, walang expectations, basta masaya.Walang labis, walang kulang. May hobbies? May happiness ‘yan!Listen up, yo!
  • 401: Mabuti Pa, Pag-usapan Natin ang Good Governance w/ Rappler 10.04.2026 1u 48min
    Sa episode na ito, tampok ang live event ng Linya-Linya at Rappler noong Jan. 24, 2026, na ginanap sa Linya-Linya HQ. Pinamagatang “Mabuti Pa: Pag-usapan Natin ang Good Governance" ang roundtable discussion na ito, kung saan pinag-usapan kung paano nagagamit ng content creators at comedians ang humor, storytelling, at social media para maiparating ang mga usaping panlipunan, at kung paano nila natutulungan ang mas maraming kabataan na makialam, magtanong, at makibahagi sa diskurso tungkol sa good governance.Moderated by Rappler’s Bea Cupin, umikot ang kwentuhan sa papel ng creators sa paglalapit ng current affairs at political issues sa bagong henerasyon—sa paraang relatable, accessible, at may impact.Bahagi ito ng #MabutiPa campaign ng Linya-Linya at Rappler— isang initiative na hinihikayat ang kabataang magsimula ng makabuluhang usapan, makialam sa komunidad, at kumilos tungo sa mas mabuting pamamahala, papalapit sa 2028 elections.Isang masayang kwentuhan na may laman— kung paano nagtatagpo ang content, comedy, at citizen engagement. Mabuti pa, makinig ka, at makinig tayo sa isa't isa. Listen up, yo.
  • 400: Bara-Bara - The UMPH-Told Story w/ Kuya Kevs 03.04.2026 2u 22min
    Panibagong Bara-Bara episode, hatid ng Linya-Linya at ng FlipTop Battle League. Nakasama natin si Kuya Kevs — aka DJ UMPH — ang matagal nang nasa likod ng lente ng FlipTop Battle League, ang most-viewed rap battle league sa buong mundo.Sanay tayong makita siyang tangan ang kamera, tahimik na kinukuhanan ang kasaysayan ng battle rap. Pero sa likod nito, may buhay at kwento si Kuya Kevs na hindi alam ng karamihan. Napag-usapan namin ang kanyang background — mula sa pamilyang accomplished sa academe at corporate world, hanggang sa pagiging top baseball prospect noong kabataan niya, pagdaan sa UP, at pagpasok sa iba’t ibang mundo ng Katipunan — bilyaran, underground scenes, at hip hop community na nagpamulat at humubog sa kanya.Ikinuwento rin niya ang kanyang journey sa hip hop — bilang DJ, music producer, at kahit bilang rap artist (whut?!). Mula sa early underground movements, collaborations, beat making, hanggang sa pagiging bahagi ng UPRISING at FlipTop.Napag-usapan din ang pagiging up-close witness niya sa pinakamalalaking battles sa kasaysayan ng FlipTop — ano ang pakiramdam na hawak ang kamera habang nangyayari ang epic battles, at paano niya nakikita ang ambag ng FlipTop sa hip hop, sa kultura, at sa lipunan.Isang jaw-dropping na kwento ng isang tahimik na haligi ng eksena — mula Katipunan, hanggang entablado ng hip hop, hanggang sa likod ng kamera ng kasaysayan.Solid na kwentuhan. May UMPH.Listen up, yo.
  • 399: Trentito, Trentita, Trentahin - Livin' The Filipino Life w/ Victor Anastacio 27.03.2026 56min
    Sa episode na ito ng Livin’ The Filipino Life, nakasama natin si Victor Anastacio para pag-usapan ang buhay bilang trentahin—ang saya, ang sakit, at ang sabay-sabay na pressure at clarity na dala ng era na ’to.Nagkuwentuhan kami tungkol sa expectations sa 30s, career, relasyon, pagod, pagbangon, at yung realization na habang tumatanda, mas sumasakit ang likod habang mas nagiging totoo ang buhay—hindi laging maayos, pero (hopefully) mas may direksyon. May halong nostalgia, self-awareness, at konting existential crisis, pero may kasamang tawa at pag-asa.Isang kwentuhan para sa mga trentito, trentita, at sa lahat ng trentahin—na patuloy pa ring nagfi-figure out ng buhay, one year at a time.Listen up, yo.

Populair in

Deze podcast verschijnt ook in de podcastlijsten van deze landen.