Raqi’s Secret Files with Titan Gelo
The program reflects various realities of the world that may create a sense of belonging, relatability, and controversies. Raqi’s Secret files was inspired by the trend “confession” pages on Facebook. We’ve seen that there is a huge buzz created by these confessions — from its contributors all the way to its community. We’ve thought of carrying that trend from online to on-air, retaining the same level of anonymity, giving the story a voice. Listeners who desire to relieve a bit of their burden are encouraged to send their stories, making the program, Raqi’s Secret Files a safe haven to tell their secrets.
Afleveringen
-
Hindi natuloy ang kasal namin sa simbahan dahil sa pamilya ko 17.07.2026 19minIbinahagi ng ating sender kung paano nauwi sa secret civil wedding ang pangarap nilang church wedding matapos makialam ang kanyang pamilya sa halos bawat detalye ng kasal. Sa halip na hayaan ang iba ang magdikta sa kanilang buhay, pinili nila ng fiancé niyang si Warren na unahin ang kanilang kapayapaan kahit pa nauwi ito sa sama ng loob at galit ng sarili niyang ina. Ito ang secret file ni Candy.
-
Noong nawala si Ate, doon lang namin nalaman ang sikreto niya 16.07.2026 23minIbinahagi ng ating sender ang masakit na kuwento ng biglaang pagkamatay ng kanyang ate na si Jasni matapos lumala ang inaakala nilang simpleng impeksyon. Habang pilit nilang ipinagdarasal ang paggaling nito, isang lihim ang unti-unting nabunyag matapos ang kanyang pagpanaw isang sikretong hindi nila inakalang matagal na pala nitong kinikimkim. Ito ang secret file ni Rocky.
-
May inggiterang kapitbahay ako na ipinagtanggol ng partner ko 15.07.2026 15minIbinahagi ng sender ang kanyang sama ng loob matapos siyang maging sentro ng tsismis ng isang kapitbahay na umano'y naiinggit sa kanya. Ngunit higit siyang nasaktan nang ang sarili niyang live-in partner ang nagtanggol sa kapitbahay. Kalaunan, nalaman niyang dating magka-live in ang dalawa, dahilan upang lalo siyang magduda at magtanong kung mali bang masaktan dahil hindi siya ang piniling kampihan ng taong mahal niya. Ito ang secret file ni Gloria.
-
Nahuli ko ang Asawa ko na nakad*d* sa Hipag ko 14.07.2026 12minIbinahagi ng sender ang masakit na karanasan nang mahuli niya ang kanyang asawa sa isang hindi inaasahang sitwasyon kasama ang kanyang hipag—ang mismong taong pinagkatiwalaan niyang tumulong sa pag-aalaga at pagpapasuso sa kanilang sanggol. Dahil sa hirap ng buhay at kawalan ng ibang matutuluyan, lalo siyang nalilito kung pipiliin pa bang ilaban ang kanilang pamilya o unahin na lamang ang kapakanan nila ng kanyang anak. Ito ang secret file ni Regine.
-
Isinakdal ko ang sarili kong anak para sa ikabubuti niya 10.07.2026 19minIbinahagi ng sender ang masakit niyang karanasan bilang isang solo parent na buong pusong pinalaki ang kaisa-isa niyang anak matapos silang iwan ng ama nito. Habang lumalaki si Juancho, unti-unti niyang napansin ang pagiging sinungaling, tuso, at mapanlamang nito. Sa kabila ng lahat ng pangaral at disiplina, dumating ang puntong napilitan siyang isakdal ang sarili niyang anak, sa paniniwalang iyon ang tanging paraan para maituwid ang landas nito at mailigtas sa mas malaking kapahamakan. Ito ang secret file ni Nerissa.
-
Ginamit lang ako para guminhawa ang buhay nila 09.07.2026 21minIbinahagi ng sender ang kwento kung paano siya naniwalang nakatagpo na ng panibagong pag-ibig matapos ang isang bigong relasyon. Ngunit habang nagpapakahirap siya sa abroad para sa kinabukasan ng kanilang pamilya, unti-unti niyang natuklasang ang mga pangarap at pinaghirapan niya ay napupunta pala sa unang pamilya at sa iba pang babae ng kanyang asawa. Sa kabila ng paulit-ulit na pagtataksil at pagpapatawad, isang balita ang dumating na inakala niyang tuluyan nang magbabago sa kanyang asawa. Ito ang secret file ni Athena.
-
Ang awa naming mga Anak ang ginamit niya 08.07.2026 19minIbinahagi ng ating sender ang kwento ng muling pagbabalik ng amang matagal nang nang-iwan sa kanilang pamilya. Dahil sa awa, tinanggap nila ito matapos sabihin na hindi na ito makalakad at kailangan ng pag-aaruga. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, isang madaling-araw na eksena ang nagbunyag ng isang nakakagulat na katotohanan na muling sumira sa tiwalang pilit nilang ibinabalik. Ito ang secret file ni Pamela.
-
Kaya raw ako dalhin sa Amerika basta pakasalan ko lang daw siya 07.07.2026 18minIbinahagi ng sender ang kwento ng kanyang childhood friend na lihim palang nagmahal sa kanya sa loob ng maraming taon. Akala niya ay simpleng pagkakaibigan lang ang namamagitan sa kanila, ngunit isang pag-amin ang nagbunyag na siya pa rin ang mahal nito kahit may sarili na itong pamilya. At nang muli silang magkausap, isang alok ang tuluyang nagpayanig sa kanyang puso isang pangakong dalhin siya sa Amerika at pakasalan kung bibigyan niya ito ng pagkakataon. Ito ang secret file ni Kaye.
-
Nahuli ko si Lolo at ang kasamabahay namin na nagbebembangan 03.07.2026 19minIbinahagi ng sender ang kwento ng sikretong natuklasan niya habang wala sa bansa ang kanyang mga magulang. Matapos niyang mahuli ang kanyang lolo at kasambahay sa isang hindi inaasahang sitwasyon, nalaman niyang may mas malalim pa palang dahilan sa kanilang relasyon. Ngunit habang pilit niyang iniingatan ang sikreto ng pamilya, hindi niya namalayang unti-unti na rin siyang nahuhulog ang loob sa babaeng minsang kinagalitan niya. Ito ang secret file ni Kiko.
-
May pamilya ako, pero pakiramdam ko mag-isa ako 02.07.2026 22minIbinahagi ni ang kwento ng paglaking may pamilya pero pakiramdam ay iniwan at nakalimutan. Habang pilit niyang binubuo ang sarili sa kabila ng sakit at pangungulila, isang diagnosis ang dumating na lalo pang nagpabigat sa kanyang pinagdadaanan. At doon niya muling natanong hanggang kailan ba kakayaning lumaban kapag pakiramdam mo mag-isa ka? Ito ang secret file ni Raquel.
-
Pumayag akong maging pangalawa 01.07.2026 23minIbinahagi ng ating sender ang kwento ng pagmamahal na akala niya ay hahantong sa masayang pamilya. Sa loob ng dalawang taon, naniwala siyang mahal at tatanggapin siya ng lalaking minahal niya hanggang sa habang buntis siya, isang tawag ang nagbunyag ng katotohanan: may kinakasama at mga anak na pala ito. Sa kabila ng sakit at pagtataksil, dumating siya sa puntong pinag-isipan pa ring manatili dahil nalaman niyang hindi naman pala kasal ang lalaki pero kapalit noon ay ang tanong kung hanggang saan ba dapat ipaglaban ang pag-ibig kapag may nasasaktan nang iba. Ito ang secret file ni Honey.
-
Gagalawin ng Mister ko ang ibang babae para sa pera 30.06.2026 24minIbinahagi ng ating sender ang kwento ng labing-isang taon niyang pagsalo sa utang, responsibilidad, at paulit-ulit na pagkakamali ng kanyang asawa para lang mabuo ang kanilang pamilya. Habang siya ang walang tigil na nagtatrabaho at lumalaban para sa kanilang mga anak, nalaman niyang habang buntis siya sa kambal ay may iba na palang babae ang kanyang mister. At doon niya napagtanto na minsan, mas masakit kaysa kahirapan ang maramdamang ikaw na lang ang natitirang lumalaban sa relasyon. Ito ang secret file ni Christine.
-
May gusto akong sabihin sa taong minsan kong minahal 26.06.2026 17minIbinahagi ng ating sender ang kwento ng isang damdaming nagsimula sa simpleng pagkikita online at unti-unting naging mas malalim kaysa sa inaasahan niya. Sa bawat kwentuhan, kumustahan, at pagdamay sa mga pinagdadaanan ng babaeng minsan niyang minahal, unti-unti niyang nabuo ang pag-asang baka may lugar din siya sa puso nito. Pero, habang lumilipas ang panahon nagsimula siyasng magtanong na kung huli na ang lahat bago niya pa masabi ang mga salitang matagal na niyang kinikimkim? Ito ang secret file ni Chito.
-
Hindi lahat ng babalik ako, may kasunod na pagbabalik 25.06.2026 25minIbinahagi ng sender ang kwento kung paano naging bahagi ng araw-araw nilang buhay ang rider na si Kuya Sonny sa gitna ng kanilang maliit na negosyo noong panahon ng pandemya. Sa una, tila hindi magkasundo ang alaga nilang aspin na si Bantay at ang palaging naghahatid ng kanilang mga supply, pero sa pagdaan ng panahon, napalitan ng paghihintay at pagkasabik ang dating tahol at pag-iwas. Ngunit isang araw, bigla na lang nawala si Kuya Sonny sa nakasanayang pagdating niya. At nang malaman nila ang totoong dahilan, doon nila mas naunawaan na may mga ugnayang nabubuo sa simpleng kabutihan at may mga naghihintay na hindi marunong makalimot. Ito ang secret file ni Tonton.
-
Hindi na ako papayag na maging side chick 24.06.2026 24minIbinahagi ng sender ang pinagdaanan niya sa isang relasyong unti-unting sumira sa tiwala niya at nag-iwan ng maraming sugat. Akala niya ay tapos na ang lahat nang piliin niyang lumayo, pero nang muling bumalik si Xian sa buhay niya, bumalik din ang mga damdaming pilit niyang tinatago.
-
Muntik na akong madali ni Father 23.06.2026 23minIbinahagi ng ang ating sender ang kwento ng kanyang simpleng buhay bilang tindera sa palengke na biglang nagkaroon ng kulay nang makilala ang isang mabait, magalang, at misteryosong lalaking madalas mamili sa kanilang pwesto. Mula sa simpleng banggaan at paghingi ng numero, nauwi ang kanilang pagkakaibigan sa madalas na pagkikita at unti-unting pagkahulog ng loob. Ngunit, sa isang gabing akala niya ay ordinaryong salu-salo lang matapos ang mahabang araw, may nangyari na hindi niya inaasahan isang katotohanang maaaring tuluyang magbago ng tingin niya sa lalaking pinili niyang pagkatiwalaan. Ito ang secret file ni Sylvia.
-
Anak ng Ex ko ang Boyfriend ko ngayon 18.06.2026 19minIbinahagi ng sender ang lihim na pag-ibig nila ng isang lalaking pamilyado at mas matanda sa kanya. Matapos ang tatlong taong, pinili niyang tapusin ito at magsimulang muli. Sa bagong trabaho, nakilala niya ang isang bagong lalaking nagparamdam sa kanya ng pagmamahal na hindi kailangang itago. Akala niya, ito na ang bagong simula na matagal niyang hinihintay. Ngunit nang makilala niya ang pamilya nito, natuklasan niyang ang ama nito ay ang lalaking minsan niyang minahal. Ito ang secret file ni Hannah.
-
Sinaktan ako ng Daddy ko 17.06.2026 16minIbinahagi ng sender ang tungkol sa kanyang Daddy, na minsang naging kakampi at sandalan niya noong bata pa siya. Ngunit habang lumalala ang dementia, dumating ang araw na hindi na siya nakilala ng sarili niyang ama. Sa gitna ng sakit at pamamaalam, natuklasan niya na kahit nakalimutan ng isip ang pangalan at mukha niya, nananatili pa rin sa puso ng kanyang Daddy ang pagmamahal sa kanya bilang anak. Ito ang secret file ni Patty.
-
Niloko at ginamit lang ako ng babaeng pinakamamahal ko 17.06.2026 18minIbinahagi ng sender ang pagsisikap niyang makaahon sa hirap para mabigyan ng mas maayos na buhay ang pamilya niya. Nang dumating si Fatima sa buhay niya, akala niya ay natagpuan na niya ang taong makakasama sa pagbuo ng mga pangarap niya. Pero habang ibinibigay niya ang lahat para mapasaya ito, unti-unti niyang napansin ang mga bagay na nakakapangduda—pagmamahal nga ba ang meron sa kanila, o may kapalit ang lahat ng ibinibigay niya? Ito ang secret file ni Andoy.
-
Ayoko na ituloy ang kasal dahil marami pala siyang utang 16.06.2026 19minIbinahagi ng ating sender ang halos apat na taong relasyon nila ni Joy na nauwi sa engagement. Ngunit isang buwan bago ang kasal nila, may natuklasan siyang matagal na itinatagong lihim nito—isang katotohanang nagdulot sa kanya ng matinding pagdududa kung itutuloy pa ba niya ang pakikipag-isang dibdib o tuluyan na itong bibitawan. Ito ang secret file ni Niño.
Populair in
Deze podcast verschijnt ook in de podcastlijsten van deze landen.