Barangay Love Stories
Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
0
These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.
Avsnitt
-
EP 693: "Atabs" with Papa Dudut 02.06.2026 44minSa pagitan ng pag-ibig na may kahati, ang puso ay siguradong malilito pero ang katotohanan ay hinding-hindi maitatago. Pakinggan ang kwento ni Menggay sa Barangay Love Stories.
-
EP 692: "Love is Blind" with Papa Dudut 01.06.2026 37minWalang mali sa pagmamahal nang masidhi pero kung ang taong naalayan ng ganitong klase ng pag-ibig ay tuso, taksil, at hindi makuntento, ang sisi ay hindi dapat sa iyo. Sinayang man ni Jane ang pagmamahal ni Brent, hindi ito naging dahilan para kamuhian siya ni Brent. Kaya nang magkita silang muli sa pangalawang pagkakataon, nararapat bang pagbigyang muli ang mga puso. Pakinggan ang kwento ni Brent sa Barangay Love Stories.
-
EP 691: "Sundo't Hatid" with Papa Dudut 29.05.2026 39minKung lumampas ang nais mong pagkakataon, baka may mas magandang plano para sa iyo ang Panginoon. Pakinggan ang kwento ni Tuti sa Barangay Love Stories.
-
EP 690: "Paalam Mahal" with Papa Dudut 28.05.2026 48minParang isang kislap ng bituin ang pagdating ng isang tao sa buhay. Ngunit kumupas man ang kanilang ilaw, ang ningning ng kanilang alaala’y hindi malilimutan. Pakinggan ang kwento ni Apollo sa Barangay Love Stories.
-
EP 689: "Abuloy" with Papa Dudut 27.05.2026 46minKumayod nang marangal at patas. Mag-iwan ng malinis na pangalan at gawa dahil ang masasamang gawi kapag nagpatong-patong na, babalikan ka talaga. Pakinggan ang kwento ni Junnie sa Barangay Love Stories.
-
EP 688: "Transient House" with Papa Dudut 26.05.2026 45minAng alaala ng isang tao ay hindi nawawala kahit pa siya’y lumisan na. Nararapat lang na gumawa tayo ng magagandang alaala habang tayo ay nandito pa. Pakinggan ang kwento ni Aldred sa Barangay Love Stories.
-
EP 687: "Humalinghing" with Papa Dudut 25.05.2026 36minKung papasok sa isang relasyon dapat handa kang maging tapat sa lahat ng pagkakataon. Pero nang magbago na ang itsura ng misis ni Jonathan, nagsimula siyang maghanap ng mas kaaya-aya sa paningin niya. Ngunit malupit ang tadhana, ang mga manloloko sa huli ay makakaranas din ng parusa. Pakinggan ang kwento ni Jonathan sa Barangay Love Stories.
-
EP 686: "Humaling" with Papa Dudut 22.05.2026 43minHindi kahinaan ang pagpapatawad nang paulit-ulit. Pero kung sila na ay mapang-abuso, dapat ipaglaban mo na rin ang sarili mo. Pakinggan ang kwento ni Ram sa Barangay Love Stories.
-
EP 685: "Yema" with Papa Dudut 21.05.2026 47minAng pag-ibig ay ligtas na kanlungan at hindi kulungan. Dapat ay malaya mong magawa ang mga gusto mo sa buhay habang nasa tabi mo siya at nakaalalay. Pakinggan ang kwento ni Harold sa Barangay Love Stories.
-
EP 684: "Good Provider" with Papa Dudut 20.05.2026 45minMinsan, hindi sapat na nagbibigay ka lang. Dapat din itong pag-isipan kaysa malunod sa mga bagay na sinisira na pala ang inyong buhay. Pakinggan ang kwento ni Socorro sa Barangay Love Stories.
-
EP 683: "Online Longganisa" with Papa Dudut 19.05.2026 44minMahirap itago ang katotohanan, kaya mas mabuting aminin ang iyong pagkakamali kaysa mabuhay sa kadiliman ng kasalanan. Dahil sa bawat gawang masama, may hatol na talagang nakaantabay. Pakinggan ang kwento ni Miyu sa Barangay Love Stories.
-
EP 682: "Talunan" with Papa Dudut 18.05.2026 36minAng tiwala sa sarili ay unang nahuhubog sa loob ng tahanan. Kaya sa tulad ni Wesley na hindi nakakuha ng sapat na suporta sa kanyang magulang at kapatid, lumaki siyang mahina ang loob. Pero imbes na alalayan, mas pinagdiinan pa nila ang pagiging nitong lampa lalo na ng kanyang kuya na magaling sa halos lahat ng aspeto ng buhay. Pakinggan ang kwento ni Wesley sa Barangay Love Stories.
-
EP 681: "Tuyo nang Damdamin" with Papa Dudut 15.05.2026 46minWala nang mas bibigat pa sa pagbuhat sa relasyon na ikaw na lang ang masaya. Pag-aralan ang pagbitaw sa nakaraan at unahin ang sariling kapakanan. Pakinggan ang kwento ni Helga sa Barangay Love Stories.
-
EP 680: "Sampung Libo" with Papa Dudut 14.05.2026 44minMay sariling laban ang bawat tao at hindi lahat ay maiintindihan ang pinagdaraanan mo. Kaya piliin ang pinagku-kuwentuhan upang hindi ka mapagpiyestahan. Pakinggan ang kwento ni Teban sa Barangay Love Stories.
-
EP 679: "Magsimula" with Papa Dudut 13.05.2026 44minMay mga pagkakataon na mabibigo ka kahit gumawa ka ng sarili mong mga desisyon sa buhay. Ayos lang magsimulang muli lalo na kung para ito sa iyong ikabubuti. Pakinggan ang kwento ni Lena sa Barangay Love Stories.
-
Ep 678: "First Child" with Papa Dudut 12.05.2026 46minAng pagkakaroon ng alaga ay maaaring magpasaya ng isang tahanan kaya sila ay ingatan dahil hindi lahat ng mahalaga sa iyo ay pahahalagahan din ng ibang tao. Pakinggan ang kwento ni Honey sa Barangay Love Stories.
-
EP 677: "Silip" with Papa Dudut 11.05.2026 43minMay mga bata talagang maagang nagma-mature hindi dahil gusto nila kun'di dahil sa mga pinagdaanan nila sa pamilya. Biglaan ang pagkawala ng bunsong kapatid ni She Ann kaya naman na-depress ang tatay nila. Pero imbes na magpakatatag para sa kanyang mag-ina, alak ang ginawang takbuhan nito na siyang naging dahilan ng matindi niyang pagbabago. Pakinggan ang kwento ni She Ann sa Barangay Love Stories.
-
EP 676: "Tasa" with Papa Dudut 08.05.2026 39minHuwag padalos-dalos sa galit na nadarama, sa tamang panahon ay matututo ka ring ipaubaya ang nakaraan na. Pakinggan ang kwento ni Allaine sa Barangay Love Stories.
-
EP 675: "Hanggang Hukay" with Papa Dudut 07.05.2026 39minMahirap kalaban ang konsensya lalo na't kakampi nito ang katotohanan. Piliin mo ang maging patas para sa huli ay wala kang pagsisihan. Pakinggan ang kwento ni Alirose sa Barangay Love Stories.
-
EP 674: "Chipangga" with Papa Dudut 06.05.2026 41minKapag napaso ka ng apoy na nilaro mo, dalawa ang pwedeng gawin mo - ang lumayo at magbago o ang manatili hanggang tupukin ka nito. Pakinggan ang kwento ni Vivien sa Barangay Love Stories.
Populär i
Den här podcasten finns även i podcastlistor i dessa länder.