Ka Istorya Horror

Ka Istorya Horror

Jason Steele | Papa Dudut | TAGM Marketing Solutions Inc.
Ország Philippines
Műfajok Fiction
Nyelv TL
Epizódok 379
Legutóbbi 31.05.2026

Sa Ka Istorya Horror, ihanda mo ang sarili mo na kilabutan, ma-curious, at ma-hook habang sumasabak ka sa mundo ng Ka Istorya. Sa bawat episode, dadalhin ka namin sa mga kwentong hango sa ibat ibang karanasan, kung saan ang mga nakakatakot na pangyayari ay tahimik na nag-aabang sa dilim. Ang podcast ay isinalaysay ni Jason Steele at ginawa ni Papa Dudut.

Epizódok

  • Episode 380 : Videocall 02.06.2026 22p
    Isang simpleng videocall… pero bakit parang may ibang taong nakamasid sa likod ng screen? 😨Sa gabing akala mo ay ordinaryo lang ang usapan, may lihim na unti-unting mabubunyag habang tumatagal ang tawag… hanggang sa mapansin mong may mali na.Handa ka na bang sagutin ang tawag?Pakinggan ang panibagong nakakatakot na kwento sa KA Istorya Horror ngayong gabi. 🎧🌑
  • Episode 379 : Mysterious Caller 01.06.2026 29p
    Isang tawag sa gitna ng gabi… isang boses na hindi mo inaasahang maririnig… at isang sikreto na mas mabuting hindi nalang sana nalaman.Sa gabing tahimik ang lahat, may isang tawag na magpapabago sa takbo ng kwento at mag-iiwan ng takot na hanggang ngayon ay hindi parin maipaliwanag. Handa ka na bang sagutin ang tawag?
  • Episode 378 : Misteryo sa Training Center 31.05.2026 28p
    Isang ordinaryong training center… pero habang tumatagal, unti-unting lumalabas ang mga nakakakilabot na sikreto sa loob nito. Mga yabag sa gabi, misteryosong anino, at mga pangyayaring hindi maipaliwanag , handa ka na bang malaman ang katotohanan?Patayin ang ilaw, magsuot ng earphones, at samahan kami sa panibagong nakakakilabot na kwento dito sa KA Istorya Horror Spotify Channel. 🎙️🩸
  • Episode 377 : Halilagyo 30.05.2026 28p
    Isang gabi. Isang misteryosong hangin. At mga pangyayaring hindi kayang ipaliwanag ng normal na isip…Makinig sa panibagong nakakatindig-balahibong kwento dito sa KA Istorya Horror. Ihanda ang sarili sa isang nakakakilabot na horror story na maaaring magpaisip sa’yo kung ano nga ba ang nagtatago sa dilim kapag humahagibis ang halilagyo… 👁️🌪️
  • Episode 376 : Old House 29.05.2026 39p
    May mga bahay na matagal nang inabandona… pero hindi ibig sabihin noon ay wala nang nakatira. Sa gabing puno ng katahimikan, may mga lihim na unti-unting magpaparamdam. Hanggang saan ang kaya mong tiisin kapag ang mismong bahay na tinutuluyan mo ang tila may gustong sabihin?Pakinggan ang nakakakilabot na horror story na magpapakaba sa bawat paglangitngit ng pinto at bawat yabag sa dilim. 🎧🌑
  • Episode 375 : Pagamutan 28.05.2026 44p
    hindi lahat ng ospital ay lugar ng paggaling… minsan, dito rin nagsisimula ang pinakanakakatakot na bangungot. 🏥👁️Sa bagong episode ng KA Istorya Horror, samahan niyo kaming tuklasin ang mga misteryo, kababalaghan, at nakakakilabot na karanasang bumabalot sa isang lugar na dapat sana’y ligtas para sa lahat. Kapag sumapit ang gabi at humina ang ilaw sa pasilyo… ano kaya ang gumagala sa loob ng pagamutan?Makinig na at siguraduhing hindi ka nag-iisa habang pinapakinggan ito. 🎙️🩸
  • Episode 374 : Bantay 27.05.2026 41p
    Isang nakakatindig-balahibong kwento tungkol sa presensyang hindi mo alam kung nagpoprotekta… o nag-aabang lang ng tamang oras para kunin ka. Sa bawat tunog sa dilim at bawat aninong nakamasid, may lihim na unti-unting mabubunyag.
  • Episode 373 : Pangitain 26.05.2026 41p
    Sa bawat bulong ng dilim, may mga pangitain na hindi dapat balewalain… dahil minsan, hindi ito basta panaginip kundi babala ng darating na bangungot.Handa ka bang makinig… o huli na ang lahat kapag nakita mo na rin ang “Pangitain”?
  • Episode 372 : Walkie-Talkie 25.05.2026 40p
    Isang simpleng komunikasyon… na nauwi sa bangungot. Sa episode na ito, isang walkie-talkie ang magbubukas ng koneksyon hindi lang sa mga tao, kundi sa mga bagay na hindi dapat kausap.Habang lumalalim ang gabi, mas nagiging malinaw ang mga boses sa radyo pero hindi lahat ng naririnig ay mula sa buhay.Handa ka bang makinig… kahit alam mong baka may sumagot pabalik?
  • Episode 371 : Akyat 24.05.2026 46p
    Pakinggan ang kwentong magpapakaba at magpapaisip sa’yo
  • Episode 370 : Pulang Buwan 23.05.2026 42p
    Sa ilalim ng nakakatakot na liwanag ng pulang buwan, isang lumang lihim ang muling mabubunyag sa isang tahimik na baryo. Mga bulong sa dilim, mga aninong hindi dapat nakikita, at isang kasalanang matagal nang tinatago handa ka na bang makinig?Samahan ang Ka-Istorya Horror Stories sa panibagong episode na magpapatindig ng iyong balahibo. Pero tandaan… kapag sumikat ang pulang buwan, may mga bagay na hindi na dapat ginising. 🌙
  • Episode 369 : Graduating 22.05.2026 39p
    Sa episode na ito ng Ka Istorya Horror , tunghayan ang nakakatindig-balahibong kwento ng isang graduating student na unti-unting nadiskubre ang isang sikreto sa kanilang paaralan isang lihim na hindi dapat nabubunyag… at kapalit nito ay takot, kamalasan, at mga espiritung hindi mapatahimik.Handa ka na bang mag-marcha… kahit may mga matang nakamasid sa dilim?
  • Episode 368 : Punong Acacia 21.05.2026 42p
    Sa gitna ng katahimikan ng gabi, may punong nakatayo sa lumang baryo na hindi basta-basta dapat lapitan… ang Punong Acacia. Ayon sa mga matatanda, may mga kaluluwang hindi matahimik na nananatili sa ilalim nito at bawat gabing dumidilim, may kakaibang presensya ang gumagalaw sa paligid nito.Isang kwento ng takot, hiwaga, at mga lihim na hindi dapat binubuksan.
  • Episode 367 : Bubong 20.05.2026 38p
    Sa gabing tahimik at madilim, may mga tunog na nagmumula sa bubong mga yabag, kaluskos, at minsan… parang may naglalakad kahit walang tao. Ano nga ba ang nagtatago sa ibabaw?Pakinggan ang nakakatindig-balahibong kwentong “Bubong” at alamin kung hanggang saan ang kayang abutin ng takot.
  • Episode 366 : Buntot 19.05.2026 34p
    Sa episode na “Buntot,” makinig sa isang nakakakilabot na kwento kung saan ang simpleng pakiramdam na may nakasunod ay unti-unting nagiging bangungot na hindi matatakasan. Ano ang mangyayari kapag ang “buntot” mo ay hindi tao… at may sarili itong balak?
  • Episode 365 : Ang Dormitoryo 18.05.2026 33p
    Sa episode na ito ng Ka Istorya Horror, samahan niyo kami sa nakakatindig-balahibong kwento na pinamagatang “Ang Dormitoryo.” Isang lugar na dapat ay pahingahan… pero paano kung may kasama kang hindi mo nakikita?Handa ka na bang malaman kung ano ang tunay na nangyayari kapag patay na ang ilaw?
  • Episode 364 : Family Camping 17.05.2026 31p
    Isang simpleng bakasyon sa gitna ng kalikasan… pero paano kung may masama palang nagmamasid sa dilim? Sa gabing dapat puno ng saya at kwentuhan, unti-unting mabubunyag ang isang bangungot na hindi nila inaasahan.Makinig sa nakakatindig-balahibong kwento ng "Family Camping" dito sa Ka Istorya Horror kung saan ang katahimikan ng kagubatan ay may tinatagong lihim... at hindi lahat ng kasama mo ay tao.
  • Episode 363 : Ang Madre 16.05.2026 46p
    Sa likod ng pananampalataya, may mga lihim na hindi dapat ginagalaw. Ano ang mangyayari kapag ang isang madre ay may tinatagong madilim na sikreto?Pakinggan ang “Ang Madre” isang nakakakilabot na kwento mula sa Ka Istorya Horror. Handa ka na bang matakot?
  • Episode 362 : Lindol 15.05.2026 42p
    Isang normal na araw… hanggang sa biglang yumanig ang mundo. Pero paano kung hindi lang lupa ang gumagalaw kundi may ibang presensya rin na nagigising sa bawat pagyanig? 😨Sa episode na ito ng Ka Istorya Horror , samahan ninyo kami sa isang kwentong puno ng takot, kaba, at misteryong hindi maipaliwanag. Handa ka na bang marinig ang sikreto sa likod ng lindol?
  • Episode 361 : Lagabog 14.05.2026 50p
    "Lagabog" Isang nakakatindig-balahibong kwento na magsisimula sa isang simpleng ingay… pero mauuwi sa matinding takot na hindi mo inaasahan. Ano nga ba ang nasa likod ng bawat lagabog sa dilim? Pakinggan at alamin sa panibagong horror episode ng Ka Istorya Horror Stories. 🎧👻

Népszerű itt:

Ez a podcast ezeknek az országoknak a podcast-listáin is szerepel.