I-Listen with Kara David

I-Listen with Kara David

Kara David
Країна USA
Жанри Society & Culture
Мова FIL
Епізодів 36
Останній 27.05.2026

Raw, heartfelt, and intimate conversations with award-winning journalist Kara David.

Епізоди

  • Matet, naiyak habang nagla-live selling dahil sa isang komento tungkol kay Nora Aunor | i-Listen 27.05.2026 31хв
    Isang taon matapos yumao ang ina ni Matet na si Superstar at National Artist na si Nora Aunor, binalikan ng aktres ang ilang alaala kasama ang ina. Ikinuwento rin ni Matet kay Kara David ang istorya sa likod ng emosyonal niyang pagla-live selling noon na dahil umano sa isang komento tungkol sa kanyang ina!Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'
  • Ozone Disco Tragedy, wala pa rin daw napapanagot makalipas ang 30 taon | i-Listen 20.05.2026 29хв
    Paalala. Sensitibo ang paksa.March 18, 1996 nang sumiklab ang sunog sa Ozone Disco na mahigit 160 ang nasawi na indibidwal. Isa si Jhunie Mallari sa mga nakaligtas mula sa itinuturing na isa sa mga deadliest fire tragedies sa bansa. Pero makalipas ang tatlong dekada mula nang mangyari ang trahedya, napanagot na nga ba ang mga responsible sa nangyaring sunog? At paano nga ba bumangon mula sa trahedyang ito si Jhunie?Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
  • Daisy Reyes, nagtrabaho sa Japan sa edad na 16?! | i-Listen 15.05.2026 26хв
    Sa edad na 16 ay nagtrabaho na bilang singer sa Japan si Daisy Reyes para makatulong kumita ng pera sa kanyang pamilya. Pero ang pagtatrabaho niya rito, naging sanhi pa upang siya’y makaranas ng bullying nang sumali siya sa isang beauty pageant.Paano nga ba ito hinarap ni Daisy Reyes? At kumusta na nga ba ngayon ang dating beauty queen at aktres?Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
  • Rochelle Barrameda, inalala ang kapatid na sinemento sa drum at itinapon sa dagat | i-Listen 08.05.2026 23хв
    Paalala. Sensitibo ang paksa.Taong 2007 nang mawala si Ruby Rose Barrameda at makalipas ang dalawang taon ay natagpuan ang katawan na isinilid sa drum, sinemento at itinapon sa dagat. Halos dalawang dekada matapos ang krimen, hindi pa rin nakakukuha ang hustisya sa pagpatay kay Ruby Rose.Sa panayam sa kapatid nitong si Rochelle Barrameda, binalikan ng dating aktres ang araw nang mangyari ang pagkawala ng kapatid maging ang patuloy nilang maghahanap ng hustisya hanggang ngayon.Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
  • Ashley Rivera aka Petra Mahalimuyak, nananatiling happy pill ng kanyang inang may cancer | i-Listen 29.04.2026 34хв
    Nitong Abril,  ibinahagi ng  online ng actress-comedienne na si Ashley Rivera ang pakikipaglaban ng kanyang ina sa lung cancer. Sa pagbabahagi niya kay Kara David, hindi niya napigilang maging emosyonal nang pag-usapan ang pinagdadaanan ng kanyang nanay na itinuturing niyang ‘sunshine’ at best friend.Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ 
  • Joy Barcoma, ang babaeng walang pahinga dahil kailangan raw suportahan ang pamilya | i-Listen 22.04.2026 33хв
    Beauty, wit at humor -- 'yan si Miss Philippines Earth 2025 Joy Barcoma na ngayo'y binansagag na "Pambansang Jusa" online. Pero sa likod ng kanyang nakakatuwang online post ay isang nakakaantig na istorya ng sakripisyo, katapangan at malalim na pagmamahal para sa kanyang pamilya. Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'
  • Ginang, nagka-temporary amnesia matapos ma-stroke habang buntis | i-Listen 15.04.2026 32хв
    Ang inaakala na simpleng sakit sa ulo na dulot ng pagbubuntis ni Teacher Jennifer Bangona, sintomas na pala ng stroke! Mas tumindi pa ang sakit ng ulo niya nang nasa paaralan siya hanggang sa kinailangan na siyang dalhin sa ospital. Dito ay dalawang operasyon na ang ginawa sa kanya nang sabay — isang brain operation at isang caeserian delivery para sa kanilang first baby.Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
  • Batang palaboy to teacher! Lalaki, naranasang kumain ng basura noon?! | i-Listen 08.04.2026 24хв
    Matapos ma-demolish ang bahay noong 2003, naging tahanan nina Jude Natividad ang lansangan. Pero gaano man kahirap ang buhay nila noon ay hindi sumuko si Jude na makapagtapos ng pag-aaral.Ang batang palaboy lang noon, isa nang ganap na guro ngayon!Ang kuwento ng katapangan at pagpupursigi ni Teacher Jude, pakinggan sa 'i-Listen with Kara David.'
  • From tambay to leading man! Ano ang nagpapaiyak kay Empoy Marquez? | i-Listen 01.04.2026 33хв
    'Stowka' o stowaway ang tawag ni Empoy Marquez sa kanyang sarili bagong pasukin ang mundo ng showbiz. Dahil sa mga kaibigan niya... nakuha sa isang audition si Empoy na naging daan para tahakin niya ang showbiz.Pero sa pag-uusap nila ni Kara David, bakit tila naging emosyonal si Empoy sa kanyang ikinukuwento?Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David'
  • Buboy Villar at pamilya niya, natulog sa lansangan para makapag-audition noon | i-Listen 25.03.2026 37хв
    Bata pa lang daw si Buboy Villar ay laman na siya ng iba't ibang singing contest sa Cebu. Nang malaman ng kanyang nanay na may isang singing contest sa Maynila ay ibinenta nila ang kanila bahay pati ang kanilang alagang manok para may pamasahe papuntang Maynila.Dahil walang kakilala sa Maynila, pansamantala nilang naging tirahan ang lansangan habang nag-o-audition si Buboy!Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'
  • Tuesday Vargas, inamin na na-diagnose ng ADHD, PTSD at autism | i-Listen 18.03.2026 33хв
    Trigger warning: Mentions of self-harm and depression.Minsan nang nag-viral online ang actress-comedienne na si Tuesday Vargas dahil sa pagbabahagi niya ng kanyang mental health struggles. Sa panayam kay Kara David, ikinuwento ni Tuesday ang karanasan niya bilang isang taong may attention deficit hyperactivity disorder o ADHD, autism at post-traumatic stress disorder (PTSD) at kung paano niya ito patuloy na napagtatagumpayan.Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
  • Street vendor ng mani, napagtapos sa pag-aaral ang anim na anak! | i-Listen 11.03.2026 28хв
    Mula face masks, mani hanggang scrunchies o panali sa buhok -- lahat ng iyan ay naitinda na ni Tatay Ronnie sa kalsada para kumita. At sa pagiging street vendor niya ng mahigit 15 taon, napagtapos ang kanyang anim na anak sa pag-aaral!Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'
  • Dating labandera, isa nang guro para sa mga out of school youth ngayon! | i-Listen 04.03.2026 27хв
    Dala ng kahirapan ay kinakailangan ni Marissa Fajardo na rumaket bilang labandera noon para magkaroon ng pamasahe papasok ng unibersidad. Ang pagtitiyaga niya, nagbunga nang siya'y makapagtapos bilang guro.Ngayon, isa na siyang Alternative Learning System o ALS teacher para sa mga out of school youth. Ang nagsisilbi nilang mga classroom... minsan raw ay sementaryo, ilalim ng puno o bakanteng lote!Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'
  • Fr. Flavie Villanueva na dating nalulong sa droga, ngayo'y tumutulong sa biktima ng EJK | i-Listen 25.02.2026 30хв
    14-anyos nang unang gumamit si Fr. Flaviano Villanueva ng ipinagbabawal na gamot nang siya’y napunta sa maling barkada. Pero sa tulong ng Diyos ay nakalaya sila mula sa pagiging alipin ng droga at ngayo’y tumutulong sa mga naulilang pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killing (EJK) dahil sa war on drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.Ngayong dinidinig ang kaso ni Duterte sa International Criminal Court dahil sa kanyang anti-drug campaign noon, pinag-usapan nina Fr. Flaviano at Kara David ang naging adbokasiya ni Fr. Flaviano na tulungang maghilom ang pamilya ng mga biktima ng EJK
  • Jo Berry, hindi lang daw pang circus at comedy ang mga katulad niyang little person | i-Listen 18.02.2026 29хв
    aong 2018 nang bumida si Jo Berry sa Kapuso series na ‘Onanay’ kung saan nakasama niya ang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Nora Aunor at Primera Kontrabida Cherie Gil. Bilang isang baguhang aktres noon, ano-ano nga ba ang paghahanda niya sa tuwing kasama sa eksena ang mga batikang aktres?Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
  • Ginang, hiniwalayan ng kanyang long-time boyfriend dahil sa nawawala niyang paningin?! | i-Listen 11.02.2026 29хв
    Dahil sa glaucoma ay unti-unting nawalan ng paningin si Josefina Olorocisimo. Bago pa man tuluyang mabulag ay naghiwalay pa si Josefina Olorocisimo at kanyang naging nobyo ng 11 taon. Gayunpaman, nawalan man siya ng abilidad para makakita ay nagkaroon siya ng mas malalim na pananaw pagdating sa buhay, pag-ibig at paglilingkod sa kapwa. Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
  • Aira Bermudez, pataas nang pataas ang bahay noon sa Tondo dahil sa kinikita sa SexBomb | i-Listen 04.02.2026 37хв
    Taong 2003 nang unang magkita sina Kara David at SexBomb Aira Bermudez para sa I-Witness. Makalipas ang halos dalawang dekada, muling nagkausap at nagkakuwentuhan ang dalawa bago ang “Get, Get Aw Concert” ng SexBomb ngayong Pebrero.Ano-ano na nga ba ang nagbago sa buhay ni SexBomb Aira? Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’
  • Krystel Go, may tugon sa mga hindi kumbinsido sa 2025 MMFF Best Actress award niya | i-Listen 28.01.2026 24хв
    Isinilang na may Down Syndrome si Krystel Go na bumida sa 2025 MMFF Best Picture ‘I’mPerfect.’ Dahil sa kanyang ipinakitang galing sa pag-arte, kinilala siya bilang Best Actress. Gayunpaman, marami ang bumatikos nang matanggap niya ang award na ito. Ang tugon niya sa mga basher, pakinggan sa ‘ ‘i-Listen with Kara David.’
  • Lalaki, naibenta pati ang ref at kawad ng kuryente para sa sugal | i-Listen 21.01.2026 27хв
    Dahil sa pagsusugal at droga, naibenta na raw ni Lisandro Fajardo lahat ng ari-arian pati ang kawad ng kuryente para matustusan ang kanyang mga bisyo. Gumamit din si Lisandro ng bagong pangalan para takasan ang mga pinagkakautangan!Paano nga ba siya nakabangon mula sa pagkalulong sa sugal at ipinagbabawal na gamot?Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'
  • Chariz Solomon, naging emosyonal sa pagbabahagi ng kanyang childhood trauma | i-Listen 14.01.2026 37хв
    Good vibes ang hatid ng komedyanteng si Chariz Solomon sa kanyang witty humor at nakakatuwang skits at banat. Pero sa likod ng kanyang mga tawa ay isang malungkot na kuwento mula sa kanyang childhood.Sa unang pagkakataon, matapang na ibinahagi ni Chariz Solomon ang naranasang pang-aabuso at hirap kay Kara David.Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’

Популярний у

Цей подкаст також потрапляв у чарти подкастів у цих країнах.