Philippine Controversies Revisited
GMA Public Affairs
2
Hosted by Emil Sumangil, this series revisits the most significant controversies in Philippine history, from high-profile crimes and landmark events to unsolved mysteries. Each episode explores what happened after the public attention faded, the new developments that emerged, and the lessons learned from these defining moments. It is a digital production from GMA Public Affairs, available on podcast platforms and YouTube.
Episodes
-
Killer Ex-Cop Jonel Nuezca | Philippine Controversies Revisited 23.10.2026 15mNoong December 20, 2020, mabilis na kumalat online ang video ng pagbaril sa mag-inang Sonya at Anton Gregorio sa Paniqui, Tarlac.Ang bumaril... ang noo’y pulis na si Jonel Nuezca.Lalo pang tumindi ang galit ng publiko nang mabunyag ang mga nauna nang reklamo at kasong administratibong kinaharap ni Nuezca.Ano ang ugat ng alitang humantong sa karumal-dumal na krimeng ito? At ano ang kinahinatnan ng kaso?Ang insidenteng ito, nagbukas din ng mahahalagang usapin tungkol sa police brutality, police accountability, at sa responsableng pagtrato ng publiko at ng media sa mga menor de edad na nakasaksi... -
The Ramgen Revilla Murder Case | Philippine Controversies Revisited 23.10.2026 19mNoong October 28, 2011, binaril si Ramgen Revilla at ang kanyang kasintahang si Janelle Manahan sa kanilang tahanan sa Parañaque.Nasawi si Ramgen, habang nakaligtas naman si Janelle.Ang ilan sa mga itinuturong suspek sa krimen... ang mga kapatid mismo ni Ramgen.Ano nga ba ang nangyari noong gabi na pinatay si Ramgen? At makalipas ang halos 15 taon, ano na ang kinahinatnan ng kaso? Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information. -
Milagro sa Agoo? -Judiel Nieva, Dancing Sun, Lumuluhang Birhen? 22.10.2026 20mMILAGRO SA AGOO?Ngayong Sept. 8, sa pagdiriwang ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, ating balikan ang isa sa pinakamalaking kontrobersya noon sa Simbahang Katolika… ang tinatawag na Milagro ng Agoo.Noong 1989, sa Agoo, La Union, isang nagpakilalang visionary na si Judiel Nieva ang nagsabing nagpakita raw sa kanya ang Birheng Maria sa isang burol.At nang minsang tumanggap daw ito ng Communion, ang ostiya sa kanyang bibig… naging dugo?!Sinundan pa ito ng mga ulat tungkol sa dancing sun at pagluha diumano ng dugo ng imahen ng Birheng Maria! Pero paano kung ang mismong Simbahang pinagmulan... -
The Hultman-Chapman Double Slay Case | Philippine Controversies Revisited 13.10.2026 17mNoong July 13, 1991, habang pauwi sina Maureen Hultman, Roland John Chapman, at Jussi Leino matapos ang isang night out, hinarang sila at binaril sa loob ng isang exclusive village sa Makati.Namatay si Roland sa pamamaril, habang nasugatan sina Maureen at Jussi. Kalaunan, pumanaw rin si Maureen. Ang pangunahing suspek... si Claudio Teehankee Jr., anak ng dating Supreme Court Chief Justice Claudio Teehankee Sr.Ang kaso, nagbukas ng mga usapin tungkol sa impluwensiya, pribilehiyo, at kung pantay ba ang pagpapatupad ng batas.#PhilippineControversiesRevisited Hosted on Acast. See acast.com/privacy... -
The Tragic Death of Beauty Queen Maria Teresa Carlson | Philippine Controversies Revisited 12.10.2026 21mBeauty queen. Actress. Comedienne.Isa siya sa may pinakamagagandang mukha sa Philippine showbiz noong '80s. Siya si Maria Teresa Carlson.Pero noong 1996, nagulat ang publiko nang ibinunyag ni Maria Teresa ang umano'y matinding pang-aabusong dinanas niya sa kamay ng kanyang asawa, si Rodolfo "Rudy" Fariñas Sr. na noo'y gobernador ng Ilocos Norte.Mariing itinanggi ni Fariñas ang mga alegasyon. At ilang araw matapos nga ang kontrobersyal na panayam, binawi naman ni Maria Teresa ang kanyang mga pahayag.Makalipas ang limang taon, natagpuan siyang patay matapos umanong tumalon mula sa ika-23 palapag... -
Road Rage Murder - The Jason Ivler Case | Philippine Controversies Revisited 22.09.2026 20mNoong 2009, isang insidente ng road rage ang nauwi sa pamamaril na ikinasawi ng isang lalaki. Sinundan ito ng malawakang manhunt para sa suspek na si Jason Ivler.Si Jason... anak ni Marlene Aguilar, kapatid ng OPM icon na si Freddie Aguilar.Sa paglipas ng mga taon, ano na nga ba ang nangyari sa kaso? #PhilippineControversiesRevisited Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information. -
Sino ang pumatay sa 'Sisig Queen'? | Philippine Controversies Revisited 22.09.2026 17mBago naging paboritong ulam at pulutan ng marami ang sisig, isang babae mula Angeles City, Pampanga ang nagpasikat ng bersyon ng pagkaing ito na nakilala sa buong bansa. Siya si Lucia “Aling Lucing” Cunanan, ang tinaguriang “Sisig Queen.”Pero noong April 16, 2008, brutal siyang pinaslang sa loob mismo ng kanilang tahanan at natagpuang tadtad ng saksak.18 taon matapos ang pagpaslang sa Sisig Queen, may malinaw na bang sagot sa katanungang: Sino ang pumatay sa 'Sisig Queen'?#PhilippineControversiesRevisited Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information. -
The MV Princess of the Stars Tragedy | Philippine Controversies Revisited 04.09.2026 20mSa pinakamalalaking passenger ferry sa Pilipinas noon ang MV Princess of the Stars.Pero noong June 21, 2008, ang sinapit nito… mala-Titanic. Lumubog ang barko sa kasagsagan ng Bagyong Frank habang naglalayag mula Maynila patungong Cebu.Sakay nito ang daan-daang pasahero at tripulante at iilan lamang ang nakaligtas.Bakit nga ba nauwi sa trahedya ang paglalayag ng MV Princess of the Stars? Gaano katotoo ang sinasabing may kinalaman dito ang tinatawag na “Romblon Triangle” kung saan mayroon daw misteryosong puwersa na nagpapalubog ng mga sasakyang pandagat?#PhilippineControversiesRevisited Hosted... -
The Murder of Jennifer Laude | Philippine Controversies Revisited 25.08.2026 21mTRANSPINAY, PINATAY NG AMERIKANONG SUNDALONoong October 11, 2014, isang transgender woman ang natagpuang halos hubo’t hubad, may mga pasa sa katawan, at nakalublob ang ulo sa inidoro.Siya si Jennifer Laude. Ang pumatay sa kanya? Ang Amerikanong sundalong si Joseph Scott Pemberton.Ang kaso ni Laude, nagbukas ng usapin tungkol sa karapatan at proteksyon ng transgender community sa Pilipinas, pati na rin sa kasunduan at diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information. -
The Philippines' First Lethal Injection | Philippine Controversies Revisited 20.08.2026 20mSa tuwing may nababalitang brutal na krimen sa Pilipinas, may ilan na ang sentimyento ay ibalik ang death penalty. Pero alam n’yo ba na may panahon sa Pilipinas na isa itong realidad?Noong 1993, ibinalik ang parusang kamatayan para sa mga heinous crime, kabilang ang ilang kaso ng murder, rape, at plunder.At ang kaso ng kauna-unahang Pilipinong sumailalim sa lethal injection... tinutukan ng sambayanan. Siya si Leo Echegaray.Sa kabuuan, noong umiiral ang death penalty sa bansa, pitong katao ang binitay. Pero ang tanong, nasugpo ba nito ang kriminalidad sa bansa?#PhilippineControversiesRevisited... -
1994 Manila Film Fest Scam | Philippine Controversies Revisited 12.08.2026 21m"TAKE IT! TAKE IT!"’Yan ang iconic na linyang tumatak mula sa isa sa pinakamalaking award scandals sa kasaysayan ng Philippine showbiz, ang kontrobersya sa Gabi ng Parangal ng 1994 Manila Film Festival.Kung maaalala ang “Steve Harvey moment” sa Miss Universe 2015, kung saan maling winner ang inanunsyo, halos ganoon din ang nangyari rito. Pero sa 1994 Manila Film Festival, hindi ito simpleng pagkakamali, kundi isang umano’y planadong dayaan.Sina Ruffa Gutierrez at Gabby Concepcion ang unang inanunsyong Best Actress at Best Actor. Ngunit matapos ang seremonya, ibinunyag ng noo’y Manila Mayor Alf... -
Philippine Controversies Revisited Teaser 29.07.2026Hosted by Emil Sumangil, Philippine Controversies Revisited looks back at the biggest stories that shook the nation.From high-profile crimes and landmark events to mysteries that remain unsolved, each episode revisits the stories that once dominated headlines and explores what happened after the public moved on.Where do these cases stand today? What new developments came to light? And what lessons can we learn from these defining moments in Philippine history? Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Popular in
The podcast also appears in the podcast charts of these countries.