Raqi’s Secret Files with Titan Gelo

Raqi’s Secret Files with Titan Gelo

Love Radio Manila
Country Philippines
Genres Fiction, Drama
Language TL
Episodes 285
Latest 09.11.2026

The program reflects various realities of the world that may create a sense of belonging, relatability, and controversies. Raqi’s Secret files was inspired by the trend “confession” pages on Facebook. We’ve seen that there is a huge buzz created by these confessions — from its contributors all the way to its community. We’ve thought of carrying that trend from online to on-air, retaining the same level of anonymity, giving the story a voice. Listeners who desire to relieve a bit of their burden are encouraged to send their stories, making the program, Raqi’s Secret Files a safe haven to tell their secrets.

Episodes

  • Ang dami palang kabit ng girlfriend ko 09.11.2026 17m
    "Hindi ko alam kung ano 'yung unang mararamdaman ko no'ng time na 'yun, eh. Gulat? Galit? Selos? O sakit? Imagine, 10 years kami, tapos sasabihin sa akin no'ng mga lalaking 'yun girlfriend nila 'yung girlfriend ko." Ibinahagi ng letter sender na nahuli niya ang girlfriend niya na may dala-dalawa palang kabit! Magkaayos pa kaya sila o tuluyan nang masira ang relasyon nila? Ito ang secret file ni Jerome.
  • Sa medya ko pinunas ang aking katas 08.11.2026 8m
    “Hinubad ko ang isang medyas ko sa paa at ’yun ang ipinamunas ko! Nilinis ko hanggang sa wala nang bahid ng kahit ano!”Ibinahagi ng letter sender ang isang nakakahiyang pero nakakatawang karanasan niya sa debut ng matalik niyang kaibigan. Dahil hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili, sinubukan niyang makapagparaos sa banyo habang busy sila sa party. Medyas lang, sapat na! Ito ang scret files ni Samson.
  • Nakaipon ako sa pagbebenta ng pictures ko 05.11.2026 20m
    “Gusto ko na marinig pa rin niya yung ganda ng mundong ito kahit ako na yung makarinig ng masasakit na salita o pangit na salita. Handa akong akuin ang lahat ng hiya, ang lahat ng sakit para sa pamilya ko.”Ibinahagi ng letter sender ang kanyang kuwento tungkol sa matinding sakripisyong ginawa niya para matulungan ang kanyang inang nawalan ng kakayahang makarinig. Dahil sa kagustuhang makabili ng hearing aid para rito at sa bigat ng responsibilidad bilang anak, napilitan siyang sumubok ng isang bagay na hindi niya kailanman inisip na gagawin niya. Sa paghahanap niya ng paraan para makalikom ng pera, nakilala niya ang isang lalaking nangako ng tulong kapalit ng mga sensitibong larawan niya, ngunit nauwi ito sa panloloko at matinding takot. Isang kuwento ito ng pagmamahal sa pamilya, sakripisyo, at kung gaano kalayo ang kayang marating ng isang anak para sa mga magulang niya. Ito ang secret file ni Nancy.
  • Masarap kasama at masarap sa kama ang kabit ko 04.11.2026 14m
    “Gusto kong ako yung babaeng pipiliin niyang panindigan.”Ibinahagi ng sender, isang single mom na may dalawang anak, ang kuwento ng pagmamahal niya sa isang lalaking mahigit isang taon na niyang nakarelasyon ngunit hindi pa rin kayang bigyan ng label ang kanilang relasyon. Sa una, wala siyang planong mahulog ang loob sa lalaki, pero habang tumatagal ang kanilang pagsasama, unti-unti siyang nahulog at nasanay sa presensya nito. Kahit ginagawa na nila ang mga bagay na karaniwang ginagawa ng magkasintahan, nananatili siyang bitin sa kasiguraduhan dahil tila may bahagi pa rin ng puso ng lalaki na nakakapit sa nakaraan. Ngayon, nahihirapan siyang balansehin ang pagmamahal, selos at takot na baka hindi siya ang babaeng pipiliing panindigan nito. Ito ang secret file ni Joanne.
  • Suki ako ng extra service sa spa 03.11.2026 14m
    Ito ang secret file ni Brian.
  • May batang sumusunod sa‘kin sa ospital 02.11.2026 12m
    “Pakiramdam ko parang may puwersang humihigop o humihila sa akin papunta sa restroom kung saan siya nanggaling.”Ibinahagi ng letter sender ang isang nakakatakot na karanasan habang nasa ospital kasama ang kanyang asawa. Sa gitna ng katahimikan ng hatinggabi, may nakita siyang batang lalaki na napakaputla ng mukha at kakaiba ang ngiti sa loob ng banyo. Ngunit mas nakakatakot ang sumunod na nangyari nang maramdaman niyang tila may puwersang kumokontrol at humihila sa kanya. Isang karanasang nagdulot sa kanya ng matinding takot at nag-iwan ng misteryong hindi niya madaling makalimutan. Ito ang secret file ni Belinda.
  • Muntik akong patayin sa sindak ng amo ko 01.11.2026 15m
    “Pagbalik ko, nagulat ako… wala na ang alaga ko sa crib!”. Ibinahagi ng sender, isang yaya ng isang baby girl, ang nakakatakot na karanasan nang sandali niyang iwan sa crib ang kanyang alaga para kunin ang mga nakasampay na damit bago umulan. Pagbalik niya, biglang nawala ang sanggol kaya agad siyang nag-panic at kung anu-ano na ang pumasok sa isip niya—mula sa posibilidad na may kumuha sa bata hanggang sa mga kuwentong may kinalaman sa maligno. Sa gitna ng malakas na ulan, takot at pangamba ang kanyang naramdaman, lalo na’t iniisip niyang maaaring mawalan siya ng trabaho. Pero ang mas nakakakaba, ang pag-amin niya sa amo tungkol sa pagkawala ng baby ay may kasunod na isang hindi niya inaasahang pangyayari. Ito ang secret file ni Tessa.
  • Limang tao ang nagtanggal ng daliri niya sa leeg ko 29.10.2026 25m
    “Iba't ibang babae. Iba't ibang conversations. Tinuruan niya ako kung paano maging isang mahusay na kabit.” Ibinahagi ng sender ang nakakatakot na karanasan niya sa kanilang bagong kusinera, na noong una ay masipag, mabait at masayahin. Pero isang gabi, matapos ang isang handaan, bigla itong nagpakita ng kakaibang kilos at nakakatakot na pagbabago sa pagkatao. Sa harap ng kanilang mga mata, tila ibang nilalang na ang kumokontrol sa kusinera, dahilan para manginig sa takot ang buong pamilya. Isang pangyayaring mag-iiwan sa kanya ng matinding takot at maraming tanong tungkol sa tunay na nangyari sa kanilang bahay. Ito ang secret file ni Chona.
  • Kung susunduin mo na ako, sasama ako sa‘yo 28.10.2026 24m
    "Hindi ko alam kung totoo ba siya o hindi. Ang alam ko lang, natatawagan niya ako sa cellphone ko. Kung sakaling tatawag siya, sasagot ako, at kung susunduin niya ako, sasama ako agad." Ibinahagi ng sender ang namumuong relasyon sa kanila ng isang lalaking hindi niya alam kung tunay ba o hindi. Misteryoso ang pag-ibig, pero paano kung ang lalaking iniibig mo mismo ang siyang nababalot ng misteryo? Ito ang secret file ni Maripaz.
  • Nakita ko ang isang nilalang na hindi ko inakalang totoo 27.10.2026 21m
    "Nagpaalam kami kay Manong kung p'wede ba pumasok sa dati naming school. Tinignan niya kami mula ulo hanggang paa at isa lang ang sagot niya sa akin: "Sige, sana makalabas kayo nang buhay." Kinilabutan ako no'n, DJ Raqi." Ibinahagi ng letter sender na makalipas ang 20 years, nagmukhang haunted house ang hitsura ng dati niyang eskwelahan. Pinasok nila ito at dahil sa isang maling desisyon, muntik na silang 'di makalabas nang buhay. Ito ang secret file ni Christian.
  • Muntik na kaming hindi makalabas nang buhay 26.10.2026 22m
    "Nagpaalam kami kay Manong kung p'wede ba pumasok sa dati naming school. Tinignan niya kami mula ulo hanggang paa at isa lang ang sagot niya sa akin: "Sige, sana makalabas kayo nang buhay." Kinilabutan ako no'n, DJ Raqi." Ibinahagi ng sender na makalipas ang 20 years, nagmukhang haunted house ang hitsura ng dati niyang eskwelahan. Pinasok nila ito at dahil sa isang maling desisyon, muntik na silang 'di makalabas nang buhay. Ito ang secret file Christian.
  • Handa akong maging kabit ng isang hot mommy 25.10.2026 12m
    "May anak na pala 'yung crush ko, pero nalaman ko rin na 'di sila okay ng boyfriend niyang nakabuntis sa kanya. Nagloko raw kasi 'yung lalaki. Ano naman kung magloko rin siya, 'di ba?" Ibinahagi ng sender, isang water delivery boy, na 'di niya mapigilan ang paghanga niya sa customer niya. May anak man ito, nais pa rin niyang maging bahagi ng buhay nito. Ito ang secret file ni Jamie.
  • Ka-esmiringhoy ko sa sasakyan ang aking kalandian 22.10.2026 15m
    "Arab man si Mr. A. Mahigpit dito sa Middle East, kaya 'di talaga kami p'wede. Pero kapag umibig ka minsan, madadala ka talaga ng damdamin mo. Sa tindi ng pananabik namin sa isa't-isa, may mga pagkakataong may ginagawa kami sa loob ng sasakyan niya. Naulit ito nang ilang beses." Ibinahagi ng letter sender na lintik talaga ang pag-ibig! Kung ano-anong nagagawa niya para rito–umabot pa sa puntong nakipag-esmiringhoy siya sa sasakyan ng kaniyang kalandian! Ito ang secret file ni Jane.
  • Ginamit niya ang sexy pictures ko pang-blackmail 21.10.2026 13m
    "Sinabi niya na kung totoong mahal ko siya mag-send daw ako ng sexy pictures. Nag-send ako dahil mahal ko naman.." Ibinahagi ng letter sender ang karanasan niya sa kaniyang toxic boyfriend. Ang mga litratong para sa mata lang ng taong mahal niya ay ginagamit ngayon pang-blackmail sa kaniya. Ito ang secret file ni Mia.
  • Nabuntis ko ang kabit ko kaya pinakasalan ko siya 20.10.2026 14m
    "Alam kong mali kasi meron akong jowa, pero hinayaan kong may mangyari sa aming dalawa nung babaeng 'yun. Ayun, nabuntis siya." Ibinahagi ng letter sender na minsan, nananaig talaga sa lalaki ang tawag ng laman. Bakla man siya at in a relationship sa kapwa niya lalaki, 'di pa rin niya napigilang magkaroon ng kabit na babae. Ngayon, buntis ang kabit niya at wala siyang choice kun'di pakasalan ito. Ito ang secret file ni Paul.
  • Sa‘yo ang Sabado ko kahit hindi ka akin 19.10.2026 17m
    "Okay lang kahit masakit. Okay lang kahit kaibigan lang ang pwesto ko sa buhay niya. Basta ako ang nagiging sandalan niya." Ibinahagi ng letter sender na may mga tao sa buhay natin na hinding-hindi natin kayang iwasan. Ang isang babae ito para sa kaniya. Kahit kasal at pamilyado na ito, 'di niya mapigilan na ialay lahat ng kaniyang oras para rito. "Best friends" lang sana, pero 'di alam ni Lorraine, may malisya na ang lahat para sa kaniya. Ito ang secret file ni Gabby.
  • Ayoko nang mag-overtime dahil munti na akong mamatay 18.10.2026 7m
    Dahil sa dami ng trabaho sa paaralan, madalas mag-overtime ang letter sender at nakakalimutang kumain. Isang gabi, dahil sa sobrang gutom, lumabas siya para maghanap ng mabibilhan ng pagkain. Pero sa halip na makabili agad, napahamak pa siya—nakatapak ng ebak, nadapa sa butas, at muntik pang mabangga ng motor! Sa sobrang dumi at gulo ng kanyang itsura, pati tindera at security guard ay natakot sa kanya. Mula noon, natuto na siyang huwag abusuhin ang katawan at laging magbaon ng pagkain. Dahil sa paghahanap ng pantawid-gutom, muntik pa siyang mapagkamalang multo! Ito ang secret file ni Laura.
  • Nakipag-one night stand ako sa katrabaho ko 15.10.2026 17m
    Isang pagkakamali ng sender ang nangyari sa kanila ng katrabaho matapos ang isang gabing puno ng alak at emosyon. Pero nang malaman niyang buntis siya, saka niya unti-unting natuklasan ang mas masakit na katotohanan—may nililigawan ito at pinagpustahan lang siya ng mga kasamahan nito. Sa gitna ng takot at pagtataksil, natutunan niya na hindi lahat ng tao na pinag kakatiwalaan natin ay may mabuting intensyon. Ito ang secret file ni JC.
  • Ginawa kong kabit ang rider ko 14.10.2026 12m
    Pagod na ang letter sender sa relasyon nila ng boyfriend niyang walang malinaw na pangarap sa buhay, kaya nang makilala niya ang isang pogi at maalagang Move It rider, unti-unti siyang nahulog dito hanggang nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ng boyfriend niya. Pero ang akala niyang bagong pag-ibig ay puno rin pala ng kalituhan—walang label ang relasyon nila, at minsan ay bigla na lang nawawala ang lalaki. Ngayon, hindi niya alam kung ipaglalaban pa ba niya ang relasyong walang kasiguraduhan o kung panahon na para piliin naman ang sarili niya. Ito ang secret file ni Yuri.
  • Sa motel namatay ang asawa ko 12.10.2026 15m
    Halos 12 taon naging masaya ang pagsasama ng letter sender at ng asawa, kaya labis ang sakit nang matuklasan niyang may ibang babae pala ang mister niya. Ang mas masakit, sa mismong araw ng pagkamatay nito, natagpuan niya ito sa isang motel kasama ang babaeng matagal na niyang pinaghihinalaan. Naiwan sa kaniya ang maraming tanong, sakit, at panghihinayang dahil hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong mag-usap at magpaalam nang maayos. Sa kabila ng pagtataksil, mas nangingibabaw pa rin sa kanya ang pagmamahal sa lalaking nakasama niya sa loob ng maraming taon. Ito ang secret file ni Kaye.

Popular in

The podcast also appears in the podcast charts of these countries.